Chapter 23

10.4K 179 12
                                    


Dumating ang aaraw na dati hinihintay kong dumating pero parang ngayon ay ayoko ng dumating pa. Hindi ko alam kung paano ako haharap kay Luke at sa mga taong manonood mamaya, kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.

Tanghali na ngayon at maya maya lang ay magsisimula na ang pageant. Maaga akong umalis sa bahay ni Luke. Wala siya roon dahil nasa meeting siya sa South. Hindi siya umuwi dahil doon. Ngayon lang kami magkikita at sa araw pa ng pageant Isa siya sa mga judge kaya mas lalo akong kinakbahan dahil parang hindi ko yata kakayanin ang mga tingin niya mamaya.

"Mia, kumain kana?" Naputol ang iniisip ko ng margining si Achillo sa gilid ko na nagsalita. Parehas kaming nagaayos palang ngayon dahil alauna magsisimula ang pageant sa auditorium.

"Hindi pa, maya-maya na. Ikaw ba?" tanong ko.

"Kakain na. Sabay na tayo anong oras na rin kasi magsisimula na mamaya ang pageant." Inabot niya sakin ang styrofoam na may laman ng pagkain namin.

"Thank you." Nagsimula na kaming kumain at nagpractice na para sa mga sasabihin at gagawin mamaya sa pageant para maiwasan namin ang magkamali sa harap ng mga manonood. Iniiwasan ko rin gumawa ng mga bagay na alam kong ikagagalit ni Luke lalo na't hindi siya payag sa gagawin kong ito. Suot suot ko ang singsing na pinapasuot niya sakin.

Sumapit ang alas dose at patapos na akong ayusan ng makeup artist/stylist na nirentahan ni Ma'am de Guzman. Nakasuot muna kami ng casual na white v-neck tshirt at shorts. Pwede rin magpants pero mas pinili ng stylist na magshorts nalang daw ako dahil karamihan ay nakapants. Nakatali sa likod ang tshirt kaya naman kita ang tyan ko. Nako-conscious ako dahil pinagtitinginan ako. Hindi naman ganoon kaikli ang shorts pero makikita ang haba at payat ng legs ko. Nakalugay ang buhok ko at nakakulot ng beach waves na umaabot hanggang sa bewang ko.

Nagpapractice kami ni Achillo ng dumating si Ma'am de Guzman at sinabi na pinapatawag daw lahat ng mga kasali sa pageant sa auditorium. Tinanong ko si Ma'am de Guzman pero hindi niya rin alam dahil pinasabi lamang ito nang co-teacher niya.

Dumating na kami ni Achillo. Medyo mabagal kami maglakad because I am wearing black criss-cross platform shoes to compliment my look for today. Inaalalayan ako ni Achillo dahil hindi ako ganoon kasanay maglakad sa ganoong klaseng sapatos.

Nakarating na kami sa auditorium ng makitang nagkukumpulan ang iibang mga kasali rin. Lumapit samin si Ma'am de Guzman. "Mia and Achillo, makisali kayo ron. Pinatawag ata kayo ng mga judges for briefing sa mga mangyayari mamaya."

Pinatawag kami ng mga judges ibig sabihin andon si Luke. Oh my god. Save me please.

Lumapit kami roon ng inaalalayan parin ako ni Achillo. Hawak niya ako sa siko kaya naman kahit papano ay nakakalakad ako ng maayos.

Una kaming lumapit sa dalawang babae. Yung isa ay lagi kong nakikita sa telebisyon at ang isa naman raw ay youtube personality ayon sa mga narinig ko rito sa mga kasali rin sa pageant. Nakipagkamay at beso kami sa kanila as a way of welcoming them. Konting usap pa at lumipat naman kami ni Achillo sa mga ibang judges na may katungkulan sa school. Habang kausap sila ay dumako ang mata ko sa taong kagabi ko pa hindi nakikita.

Luke is wearing a grey madras pattern suit. His bottom partnered with his upper suit. Underneath his suit his also wearing a white shirt. He looks so fvckin clean with his hair in a man bun. Hindi siya mukhang governor he looks more like a model of an international clothing brand.

He is conversing with other contestants, mostly girls, who are continuously giggling with the things Luke is saying. Dumako ang mata niya sakin kaya naman napahawak ako kay Achillo na hanggang ngayon ay nakawak parin sa siko ko, nanghina ako bigla sa paraan ng pagtingin niya sakin. His jwa was clenching while looking at Achillo's hand who is still at holding my elbow.

Umiwas ako ng tingin dahil kinausap na ako ng isa sa mga contestant at inaaya na pumunta raw kami kay Luke. Kanina pa nila pinaguusapan si Luke. Pinupuri ang kagwapuhan nito na ang swerte raw ng bayan namin dahil nagkaroon kami ng ganitong kagwapo na gobernador. Natawa ako sa kanila, kung alam lang sana nila ang mga nagawa ni Luke sakin hindi ko alam kung masasabi pa ba nila ang mga sinasabi nila ngayon.

Hinatak na ako ng kausap ko bago pa ako makatanggi at maya maya lang ay nasa harap na kami ni Luke na siyang napatigil sa pagsasalita ng dumating kami. Nagpakalilala ang kasama ko kay Luke at naglahad naman ito ng kamay. Dumako ang mata ni Luke samin ni Achillo. Bumaba ang mata niya sa hawak ni Achillo. Ramdam kong kanina pa naiinis si Luke sakin dahil hinayaan kong hawakan ako ni Achllo kahit na ilang beses na niya akong sinabihan na wag magpahawak sa iba.

Bago pa makaramdam ang iba ay naglahad na ako ng kamay sa kanya.

"M-Mia po, gov." Tinanggap niya naman ito.

"Good luck, Ms. Mia." Ngumiti ito sakin.

Hindi totoo ang ngiti niya. May halong pagbabanta ang ngiti niya.

Pinabalik na kami sa mga rooms na ginawa naming dressing room. Nagpaalam muna ako na magc-c.r. muna bago ako bumalik sa classroom.

Hindi pa ako nakakapasok ng tuluyan sa dulong bahagi ng c.r. ay may humila na sakin. Mahigpit ang paraan ng pagkakahawak niya kaya alam ko na agad kung sino ito.

"L-Luke..."

He chuckled. Oh, god. Why does he look so sexy at the same time hot? Sinandal niya ako sa likod ng pinto at nilock niya ito. Humilig siya sa leeg ko.

"Bakit ka nagpapahawak sa iba? Hmm... Mia?" Bulong niya sakin.

"L-Luke... ano ba nasasaktan ako."

"Bakit ka nagpapahawak sa iba, Mia? Tangina? Hindi lang ako umuwi kagabi lumalandi kana?"

"Hindi ako nagpapahawak Luke! Inalalayan niya ako!" Gusto kong isigaw sa kanya ito kaso baka marinig kami sa labas.

"Shit." Bigla niya akong hinalikan ng marahas. I was stunned for a second and he took that time to insert his tongue inside my mouth. Pilit ko siyang tinutulak kaso ayaw niya magpaawat. Bumaba pa ang halik nito sa leeg ko at kinagat kagat ng marahan ang leeg ko.

"Luke, wag mong kagating please. May contest ako ayokong may makita sila dyan. Please, Luke." Salamat naman at tumigil siya at bumalik muli sa labi ko ang halik niya.

"A day without you Mia makes me so fvcking crazy." Sabi biya habang hinahalikan parin ako.

Maya-maya lang ay tumigil na ito at idinikit nalang ako noo niya sa leeg ko. Nakasiksik ito doon na parang inaamoy ako. Nakayakap siya ng mahigpit sakin. He's drawing circles on my back.

"Luke, lalabas na ako. Baka hinahanap na ako ron."

"Mia, please don't let other men touch you. I might go fvcking crazy if I saw men laying hands on you, Shit I might kill them."

"Luke, hindi naman pwede 'yang gusto---"

Hindi niya ako pinagsalita dahil pinutol niya agad ako.

"Sige, suwayin mo ako. Alam mo na mangyayari."

Iniwan nalang niya ako. Umalis siya ng walang pasabi. Tinatakot niya na ako sa mga gagawin niya. Ayaw kong ipakita sa kanya na natatakot ako dahil uulitin niya ulit ito. Kailangan kong ipakita na hindi ako takot sa kanya.

Nagayos ako saglit sa harapan ng salamin at nakitang medyo namumula ang ilang bahagi ni leeg ko dahil sa mga halik ni Luke kanina. Sana matakpan ito ng makeup.

Umalis na rin ako pagkatapos magayos saglit at tumungo na sa dressing room. 

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon