Chapter 30

12.9K 269 106
                                    


Pagkatpos ihagis ni Luke yung baso ay lumapit ito sa harap ko. Nakaupo ako kaya naman nakatingala ako habang nakatingin sa kanya. Sobrang dilim ng tingin ni Luke sakin, hindi ko mawari ang gusto niya sabihin sa paraan ng pagkakatingin niya, sobrang dilim at sobrang lalim.

"Ano Mia, mas gusto mo si Xian? Mas okay si Xian? Mas mabait si Xian? Ganoon ba 'yon Mia?" Tanong niya sakin. Napayuko ako dahil ayoko ng sagutin yung mga tanong niya. Umalis ako sa bahay niya para makapagpahinga pero hindi niya talaga ako tinatantanan. Pagod na pagod na ako sayo Luke. Hindi ko na talaga alam gagawin ko sayo at mas lalo na sa sarili ko.

Sarili ko? Bakit ko tinatanong 'to? Simple lang naman ang sagot 'diba? Iwan siya, yun lang naman yung sagot Mia pero ba't di ko magawa?

"Tumingin ka sakin Mia. Sagutin mo ko."

Tumingala ako sa kanya. Naluluha nanaman dahil sa tanginang nararamdaman at iniisip ko ngayon. Bakit nga ba di ko magawang iwan si Luke kahit na ilang beses na akong lumayo wala parin bumabalik parin ako sa kanya.

"H-hindi Luke." Sa dami kong gustong sabihin sa kanya, ito lang ang lumabas sa bibig ko. Kahit inis na inis na ako sa kanya kinakabahan parin ako dahil baka kung anong lumabas sa bibig ko baka mas lalong lumala ang galit niya.

"Anong hindi? Mukha ngang mas gusto mo siya eh. Ba't di ka pa sumama sa kanya? Ang saya niyo kanina habang naguusap."

Tumayo na ako dahil hindi ko na kaya ang galit na rumaragasa sa dugo ko.

"Anong mukhang masaya? Luke, pinakilala lang ako ni Anne! Eh, ikaw anong ginawa mo? Sinuntok mo yung tao, Luke! Walang kamalay-malay si Xian. Mabait siyang nakipagusap sakin tas susuntukin mo? Dahil ano? Dahil ikaw ang gobernador dito kaya ikaw ang batas? Tanginang pagiisip yan Luke! At yung tanong mo? Sagutin ko lang ulit, oo mas mabait, si Xian kesa sayo, oo mas mas okay siyang kausap kesa sayo. "

There, I've finally fought for myself. I've finally said what I wanted to say to him. Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos kong sabihin ito sa kanya.

Nakatingin lang ng masama sakin si Luke, hindi ito sumagot. Nakatitig lang sakin ng malalim. Dinadamdam ang mga sinabi ko sa kanya.

"Tangina niyo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay lumabas ito ng kwarto at pabalibag na sinara ang pintuan. Napaupo ulit ako sa kama, nanghihina dahil sa nangyari. Sa wakas, nagawa ko ng gantihan si Luke. Hindi man pisikal pero alam kong nasaktan siya sa sinabi ko. Pero hindi parin ako masaya. Hindi tama ang gumanti pero sinaktan naman niya ako 'diba? Kaya bakit bawal gumanti? Parehas kaming nasaktan pero bakit ako lang nakakaramdam ng guilt feeling? Bakit kapag siya nanankit okay lang pero bakit kapag ako nakasakit magagalit lalo siya?

Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan. Lumapit ako sa bintana at nakitang paalis si Luke gamit ang personal na sasakyan niya. Yung sasakyan niya na siya lang ang pwede magdrive. Mukhang personal na lakad din ang pupuntahan niya pero saan naman? Sa bar para magpakasaya at maginom?

Naghintay ako ng ilang minuto bago bumaba para uminom at mahimasmasan, nagbihis muna ako ng pantulog at naghilamos, may naabutan akong isang kasamabahay. Akala ko walang tao rito sa bahay. Nakita ko rin ang mga bodyguard ni Luke na nasa labas ng bahay at mukhang binabantayan ang bahay.

Lumapit ako sa kusina at uminom ng tubig.

"Iha, nagaway nanaman ba kayo ni Luke?" Nanaman? Wala naman bago ron diba?

"Bakit po?"

"Galit na galit kasing bumaba rito kanina. Umalis siya ng hindi niya kasama yung mga bodyguard niya." Sagot nito.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon