Nasa harap na kami ng kotse ni Luke nang bigls siyang nagsallita, "Get in." Nung una ay nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako dahil inuunahan ako ng takot sa mga gagawin niya pag nakarating na kami sa bahay niya.
"I said get in." Mas humigpit ang hawak niya sakin at tsaka binuksan nang maluwag yung pintuan ng kotse niya. Itinulak niya ako papasok nang passenger seat at ini-lock agad yung pinto at umikot papunta sa driver seat. Ngayon ko lang napansin yung suot niya, naka puti itong polo shirt at hubog na hubog ang katawan niya rito. Samantalang sa pambaba naman ay itim at fitted na pantalon. Mukha rin siyang pagod na pagod at kulang sa tulog dahil sa kampanya na ginawa niya kanina.
Binuhay ni Luke ang makina ng kotse at palabas na kami ng bahay nila. Sa subdivision nila ay napansin kong parang halos karamihan nang bahay dito ay bukas na ang mga ilaw sa garahe nila. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras, alas dyes na ng gabi.
From: Anne
Ingat kayo, Mia. Good night!
Sakto naman na nagtext si Anne sinabi lang na magingat ako. Magrereply na sana ako ng biglang may humablot ng cellphone ko, si Luke. Nagulat ako sa ginawa niya at napatingin sa pwesto niya nakatikom ang bibig niya habang hawak sa kaliwang kamay ang cellphone ko at ang manibela naman sa kanan. Namumuti na ang kamao nito sa higpit nang hawak sa manibela.
"Luke, bakit mo kinuha yung cellphone ko?" Tanong ko sa kanya.
Wala naman siyang sagot at tinago sa kaliwang parte ng bulsa ang aking cellphone nang hindi ko ito maabot.
"Luke, akin na ang cellphone ko. Magrereply pa ako kay Anne, please." Tumingin lang siya sakin ng masama at biglang hinampas ang manibela. Itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan at huminto.
"Ang sabihin mo itetext mo lang yung lalaki mo, Mia." Nakatingin siya sa harapan habang sinasabi niya ito at may diin sa mga boses.
"Luke, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kaibigan ko lang si Matt—"
Hindi na niya pinatapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong harapin at sabay lapit sakin at mahigpit na hinawakan ang leeg ko. Matatalim ang mga mata niya at nanlilisik sakin. Pilit ko siyang tinutulak para makawala sa mala-bakal na hawak niya pero mas lalong humihigpit ito.
"L-Luke s-stop p-please... I-I can't b-breath..." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bigla niya inalis yung kamay niya at sabay hampas sa manibela. Impit akong napaiyak dahil sa takot sa kanya at sa buhay ko na akala ko katapusan ko na.
"TANGINA MIA!!! TANGINA NIYONG DALAWA NUNG LALAKI MO!!! FVCKKKK!!!" Nakailang hampas pa siya sa manibela bago tumigil. Bakas sa mukha niya ang pinaghalong galit at inis sinamahan pa nang pagod. Kaya ang resulta ito, nasasaktan na niya ang sarili niya at ako. Nakatingin lang ako sa kanya at tahimik na umiyak, takot na kapag nagsalita pa ako ay baka mas lalo akong masaktan.
Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapagpabasag nang katahimikan namin. Kinuha niya ito sa bulsa niya at tinignan kung sino ang tumawag. Sinubukan kong silipin kung sino ang tumawag pero bago ko pa masilip ay nilagay na niya sa tenga niya ang telepono.
Hindi siya nagsalita at bumaling sakin, nakakatakot ang tingin niya. Binaba niya ang cellphone, akala ko papatayin na niya ang tawag 'yun pala ay ila-loud speaker yung cellphone, nagulat ako ng mabosesan ko kung sino yung nagsalita.
"Hello, Mia? Ba't 'di ka nagsasalita? Hello, naririnig mo ba ako? Gusto ko lang malaman kung nakauwi ka na ba?" Inigaw ko bigla ang cellphone ko kay Luke pero mas mabilis siya gumalaw. Pinatay niya yung loud speaker at ibinalik sa tenga niya pero madalim parin ang tingin niya sakin.
BINABASA MO ANG
Governor's Girl [DISCONTINUED]
Romansa"Sige Mia, makipagusap ka pa sa ibang lalaki alam mo na ang mangyayari sa kanya at sayo. I'm willing to shoot anyone who will talk or touch you. Tandaan mo yan. Isang maling kilos mo lang, tapos ka lalo na siya." Kitang-kita ko ang galit sa kanyang...