Chapter 19

10.4K 156 4
                                    



Naiwan ako sa kwarto. Pinagiisipan ang nagawa ay Luke. Kung ano ang maaari niyang gawin sakin kapag nakabalik na ito.

Binuksan ko ang pinto at nakitang nasa sala si Luke at nakabihis ito ng simpleng polo shirt at shorts. May kausap din siya sa telepono niya.

Maya-maya lang ay umalis na ito, Bumaba naman ako sa sala pagkalis niya at nakita si Manang na nasa kusina nagkakape.

"Iha..." tinawag ako ni Manang kaya naman lumapit ako sa kanya.

"Iha, nagaway ba kayo ni Sir?" Napatingin na lamang ako kay Manang ng magtanong ito.

"Hindi ko naman ho sinasadya na masampal siya, nasaktan po kasi ako sa ginawa niya malamang dedepensahan ko lag po yung sarili ko." Paliwanag ko sa kanya.

"Galit nag alit siya iha, kulang nalang ibato ang kanyang telepono sa sahig habang kausap si Ma'am Seola kanina."

"Seola?" Si Seola nanaman.

"Sino po 'yon, Manang?"

"Mabuti pang si Sir ang tanungin mo dyan, Iha. Wala akong karapatan sagutin 'yan."

"Kay Seola ba siya pupunta, Manang?" Tanong ko kay Manang.

"Hindi ko sinadaya na marinig ito pero oo kay Ma'am Seola nga."

Hindi ko maiwasan na mapatingin sa singsing sa binigay niya sakin. Kakabigay niya lang ito kanina pero nambabae nanaman siya.

Nagpaalam na ako kay Manang dahil ayoko ng marinig pa ang tungkol sa kay Seola. Ayoko ng isipin ang pangangaliwa ni Luke.

Ako na nagsabi na walang kami kaya siya naglit pero bakit ganito ako? Ba't ko iniisip ang pangangaliwa niya?

Natulog na ako ng gabing iyon at nagising ng walang Luke na nasa kwarto. Naghanda na ako para pumasok sa eskwelahan.

Bago ako makasakay sa kotse na inihanda ni Luke sakin ngayon ay nagtext si Anne. Binasa ko ang text nito na nagaaya na samahan siya magbar mamaya dahil may ikuwkento siya sakin.

Sinabi ko na titignan ko pa kung wala akong gagawin mamaya pero makulit siya. Susunduin niya raw ako sa room ko mamaya para hindi na ako makatakas.

Nasa school na ako ng makita ako ni Ma'am De Guzman na naglalakad sa hallway.

"Mia, ano? Nagpaalam ka na ba sa mga magulang mo?" Hindi sa magulang, Ma'Am kundi sa gobernador ng lugar na ito. Gusto ko sana isagot sa kanya.

"Opo, Ma'am. Pumayag naman po sila."

"Sige mamaya na magsisimula ang practice. Mga isang linggo kayo magpapractice, excuse na kayo sa mga klase niyo na matatamaan ng practice. Tatawagin kita sa room mo mamaya." Paliwanag niya sakin.

"Sige po, Ma'am. Mga anong oras po ako tatawagin sa room?"

"Mga alas dos naghahanda pa ang council para sa lugar na pagpapractisan niyo mamaya."

"Sige po, Ma'am. Thank you po."

"Sya nga pala, magusap na kayo ni Achillo mamaya, yung partner mo para maganda ang chemistry sa stage." Nakangiti na sabi ni Ma'am sakin.

Hindi nalang ako kumibo at ngumit na lamang. Nagpaalam na ako kay Ma'am dahil baka malate na ako sa klase ko.

Habang naglalakad kao papunta sa klase ko ay hindi ko maiwasan na hindi maisip si Luke, kadalasan tinetext o tinatawagan niya ako kapag nakarating na ko sa school pero ngayon wala ni isang text o tawag.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon