May bumisina sa labas ng bahay niya at sumilip ako sa bintana. Si Luke, nagaabang na buksan ng guard ang kaniyang gate. Napansin ko rin na alas otso na pala g gabi dahil sa digital clock niya na nakapatong sa lamesa niya. Nasa kwarto parin niya ako at nagiisip kung paano ko ba mapipilit si Luke na tigilan na ang kahibangan niya sakin.
Maya-maya ay may kumatok sa pinto. Wala akong nagging reaksyon ng makita ko ang mukha ng nagbukas ng pinto kundi ang sundan lang ng tingin kung saan ba siya pupunta. Natigil ang mata ko sa harapan ko at nakitang umupo siya sa harap kung nasaan man ako.
Si Aling Esther, ang matandang katulong ni Luke. Bihira lang ito pumunta rito sa bahay niya, kapag gusto lang ni Luke katulad ngayon.
Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay ko, may haolong kalungkutan at pagkaawa ang kanyang mga mata.
"Iha, bumaba ka na ron, sabayan mo na si Luke. Hinihintay ka na niya nakahain na ako"
"Ayoko po, dito nalang po ako kakain pakisabi sa kanya."
"Iha alam natin pareho na iba magablit si Luke kaya please..."
"Pasensya na po talaga, hindi ko po talaga kayang harapin si Luke ngayon pakisabi nalang po na hindi nalang po pala ako kakain dito sa bahay nalang po kasi gusto ko na rin umuwi." Hindi ako nakatingin sa kanya habang sinasabi iyon. Nakatingin lamang ako sa digital clock na nasa mesa na nasa likod ng matanda. 20:05 pm.
"Sige, hintayin mo ako rito. Sasabihin ko sa kanya." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo na siya at dahan dahang sinara ang pinto.
Tumayo na lamang ako sa sahig at lumipat sa kama ni Luke para umupo, nakakangawit kapag sa lapag nakaupo. Masakit pa sa pwet.
Wala pang sampung minute ay bumalik na si Aling Esther na parang napagalitan sa baba.
"Mia, ayaw talaga ni Luke. Bumaba ka na raw don hindi raw siya kakain hangga't hindi ka kasabay, galit na ang aura na pinapakita niya samin kaya Mia please... 'wag mo ng dagdagan yung galit niya"
"Manang, hindi ko talaga siya kayang harapin. Pagkatapos ng mga sinabi niya sakin kanina sinong hindi magaga—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko kay Manang ay bumukas ang pinto. Iniluwa noon ay si Luke na magkahalong pagod at galit ang pinapakita sa mukha.
"Ayaw mo kumain? Okay, hindi ka uuwi." Pagkatapo non ay sinara niya ulit ang pinto ng pagkalakas lakas at nagulat kaming dalawa ni Manang.
"Sabi sayo Iha, galit talaga siya. Unawain mo nalang..."
"Pero Manang hindi ko talaga kinaya yung sinabi niya, BUBUNTISIN DAW NIYA AKO!" Hindi ko na napigilan sumigaw sa matanda kahit alam kong nagpapakita ito ng hindi paggalang pero isinantabi ko muna iyon dahil pagkababae at dignidad ko ang nakasalalay dito.
"Iha, hindi naman niya siguro gagawain 'yon, nasabi lang niya siguro 'yon dahil sa selos niya o dahil sa galit. Kilala mo si Luke Mia..."
"Opo, Manang. Kilala ko si Luke kapag sinabi niya talagang gagawin niya 'yon pero hindi ko 'yon hahayaan na matuloy. Marami akong pangarap Manang para sa sarili ko at sa pamilya ko."
"Para matapos na 'to, kung gusto mo talagang makauwi na bumaba ka at sumabay na sa kanya kumain. Hindi ibig sabihin niyan ay tinotolerate ko ang mga ginawa ni Luke pero para sayo Mia sinasabi ko 'to dahil babae ako alam ko ang nararamdaman mo. Hindi tayo ginawa para maging paanakan lang."
Napaisip ako sa sinabi ni Manang, may punto siya. Para payagan ako ni Luke na umuwi ay dapat sumabay ako sa kanya kumain.
Tumayo na kami at dumiretso sa pinto at bago pa ako makalabas ng kwarto ni Luke ay nagpasalamat ako kay Manang. "Wala 'yon Iha. Naiiintindihan kita. Kapag uuwi ka na ay dumiretso ka sa silid ko at ihahatid kita sa labas."

BINABASA MO ANG
Governor's Girl [DISCONTINUED]
Romance"Sige Mia, makipagusap ka pa sa ibang lalaki alam mo na ang mangyayari sa kanya at sayo. I'm willing to shoot anyone who will talk or touch you. Tandaan mo yan. Isang maling kilos mo lang, tapos ka lalo na siya." Kitang-kita ko ang galit sa kanyang...