Chapter 12

33.9K 348 158
                                    


Hanggang ngayon na nasa school na ako kay pinagiisipan ko parin ang mga sinabi ni Luke. Totoong hindi ko na kayang bayaran ang mga gastusin ko sa school, mahirap maging mahirap. Sa scholarship nalang ako umaasa na makakapagtapos ako pero dahil sa nabagsak kong major subject ay mukhang hindi na ako makakapagsuot ng inaasam asam kong toga.

Kung tatanggapin ko ang alok ni Luke panigurado makakapagtapos ako pero dignidad ko bilang babae ang nakasalalay. Hindi ko alam ang pipiliin ko.

"Uy, Mia!" Naputol ang pagiisip ko ng may tumawag sakin, si Anne.

"Kanina pa kita hinahanap nagpunta rin ako sa roommo wala ka ron"

"Ah, oo wala kasi kaming prof eh kaya lumabas lang ako"

Gusto ko ng sabihin na nabagsak ko yung isang subject ko kaso nahihiya ako dahil scholar ako ng pamilya niya, hindi ko kayang may sabihin ang magulang niya sakin dahil ginawa ko naman ang lahat makapasa lang pero mukhang hindi ko naibuhos lahat ng kaya ko dahil sa huli bumagsak parin ako.

"Oo nga pala, punta ka samin mamaya Mia, ngayon na kasi malalaman kung sino mananalo sa pagkagobernador ecited sila Mama kaya nagpahanda sila para kay Kuya at sa mga tauhan niya"

Oo nga pala ngayon yung araw na kinakatakutan kong dumating dahil kapag nangyari yon ay mas lalong lalakas ang kapangyarihan ni Luke hindi lang sakin kundi sa buong Santa Monica.

"Sige pagkauwi ko galing sa pupuntahan ko" Pagkatapos ng klase ay magkikita kami ni Matt. Pinangako ko nung una na papanoorin ko siya maglaro ng basketball pero hindi ko naman natupad nung niyaya niya ako pero ngayon tutupad na ako sa usapan namin.

"Personal ka pa naman na niyaya ni Kuya pinapasabi niya sakin"

"Ah, talaga? Pakisabi nalang na paghinanap ako baka malate ako kasi nga may pupuntahan pa ako" Ayoko lang talagang makita si Luke kaya kahit maaga kami matapos ni Matt ay magpapalate ako pumunta sa bahay nila.

"Saan ka ba kasi pupunta? Importante ba talaga?" Tanong ni Anne sakin. Ayokong sabihin dahil baka malaman ni Luke na nagkita kami ni Matt malalagot kami pareho.

"A-ah... sa g-groupings namin mamaya may meeting kami baka gabihin ako tara na kumain na tayo" Tumayo na kami at dumiretso sa canteen.

Bago matapos ang araw ay nagkita kami ni Matt. Inabangan ko siya sa parking lot dahil sabay daw kaming pupunta sa court.

"MIA!" Si Matt.

"Pasensya na dahil medyo natagalan ako nilagay ko lang sa locker yung mga gamit ko... ano tara na?" Yaya niya sakin. Dumiretso naman kami sa sasakyan niyang kulay pula na nakaparada sa medyo tagong lugar ng parking lot.

"Bakit naman ata ang tago ng pinagpaparkingan mo?" Hindi ko na naiwasang itanong.

"Ah, para sa mga athletes 'to. Parang nareserved talaga samin." Paliwanag niya.

Ang sosyal naman pala ng unibersidad namin dahil may nakalaan pang parking lot para sa kanila. Sumakay na agad ako sa kotse niya at tinignan ang loob nito. Simpleng itim lang ang kulay ng loob ng kots eni Matt, simula sa upuan at sa manibela lahat ay itim. May mga cute rin na stuff toys sa likod.

"Hindi ko inaasahan Matt na mahilig ka pala sa mga manika" Natatawang sabi ko sakanya dahil hindi ko lubos maisip na sa laki niyang ito ay mahilig siya sa mga ganon.

"Sa kapatid kong bata yan nilagay ko lang para kapag bumabyahe kami hindi siya mabored at makapaglaro" Nagulat ako sa sinabi niya, may kapatid pala siya at mas bata pa sa kanya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon