Chapter 21

11.5K 227 17
                                    


Nakarating kami sa harap ng bahay ng wala parin kumikibo saming dalawa. Ramdam ko parin ang galit niya.

Pagkabukas ng gate ay pinasok na niya ang kanyang kotse at sa loob. Hindi pa kami nakakalabas ay saktong tumunog ang cellphone ko. Tumingin sakin si Luke.

"Si A-Anne. Nagtext." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay lumabas na siya sa kotse at nagtuloy tuloy sa loob ng bahay.

Pagkalabas niya ay lumabas narin ako binasa ang text ni Anne habang pumapasok sa bahay.

From: Anne

Mia, what's happening? Are you okay?

Hindi ko na nireplayan ang text ni Anne dahil nakita kong nakatayo at hinihintay ako ni Luke sa may hamba ng pintuan ng bahay. Nagmadali na ako sa paglalakad dahik ayoko ng dagdagan pa ang galit niya sakin.

Pagkatapat ko sa harapan niya ay bigla nalang akong hinala at pilit na pinapasunod sa kanya.

"Luke—" Hindi ko napansin si Manang na nasa sala pala at hinihintay kami.

Hindi man lang dinapuan ng tingin ni Luke si Manang, patuloy lang ito sa pagkaladkad sakin.

"Mia, iha ano nangyayari?" Hindi nalang ako sumagot pero umiling ako kay Manang at ngumiti. Gusto kong maintindihan niya na okay lang ako kahit hindi. Ayokong magalala pa siya.

Nang makarating kami sa kwarto niya bigla niyang sinara ang pinto sinandal ako sa pinto.

Nakahilig lang ang katawan ni Luke sakin. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko ang galit niya sa paraan palang ng paghinga niya, kinakalma niya ang sarili niya.

"What the hell did I say, baby. Huh?" Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa baba.

"SUMAGOT KA MIA." Nagulat ako sa sigaw niya. Hindi na niya napigilan ang sarili niya at sumigaw na siya. Ito ang kinakatakutan ko, ang magalit siya.

"Ano hindi ka parin sasagot?" Matalim na pagkakasabi niya.

Ang higpit ng hawak niya sa bewang niya ko. Ito nanaman siya. Sakin nanaman niya binubuhos ang galit niya.

"Mia, tangina, ano hindi ka parin magsasalita?" Nagulat ako sa ginawa niya. Napunta nag kamay niya sa buhok ko at hinila pababa kaya naman nakatingala ako sa kanya. Nakalantad ang leeg ko sa kanya.

Hindi na ako nagulat ng dumampi ang labi niya sa leeg ko at marahas na hinalikan. Halik na nilalabas ang galit sakin. Kinakagat kagat niya nag leeg ko. Sigurado ako na magiiwan ng marka si Luke.

"Luke, tama na." Tinutulak ko na siya dahil nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Isang kamay nasa buhok at isang kamay nasa bewang na mahigpit ang pagkakahawak.

Hindi parin tumitigil si Luke kahit nakailang pigil na ako sa kanya. Lalo lang siyang ginaganahan kapag pumipiglas ako kaya naman hindi ko na nagawa pang pumiglas dahil masasaktan lang ako.

"Mia, galit nag alit talaga ako sayo alam mo naman siguro 'yon diba?" Tanong niya. Sa wakas, tapos ni aniyang pagpyestahan ang leeg ko.

"Luke... nagsorry na nga ako sayo diba? Inaamin ko na nga na ako ang may kasalanan ng lahat. Hindi pa ba sapat 'yon?"

"Hindi, Mia. Walang makakapantay sag alit ko sayo ngayon"

"Ano ba pwede kong gawin? Mawala lang ang galit mo?"

Napangisi ito sa sinabi ko.

May binabalak nanaman siya. Paraan palang ng pagngisi niya ay alam ko na.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon