Nasa mansion ako ngayon ng mga Lopez, busy ang mga tao rito dahil darating mula Espanya ang isa mga anak ng matandang Lopez. Pabalik balik ang mga katulong sa loob ng kusina at sa labas ng kanilang bahay upang detalyadong ayusin ang paggaganapan ng party mamaya. Habang abala ang mga tao sa pagaayos, nakaupo lang ako sa kanilang sala at tinitignan sila habang hinihintay ko ang aking kaibigan na lumabas ng kanyang kwarto.
"Kanin aka pa ba dyan naghihintay? Pasensya na natagalan akong magayos ng sarili" bungad sakin ni Anne pagkababa niya mula sa silid. Si Anne ang bunsong anak ng Lopez, iba si Anne sa lahat ng mayayamang nakilala ko. Hindi siya palahusga ng mahihirap mas gugustuhin pa nga raw niyang maging kaibigan ang mga katulad ko kesa sa mga mayayaman.
"Hindi naman. Kakarating ko lang din, hindi naman ako nainip dahil naaliw ako panoorin yung mga nagaayos para sa party mamaya." Mahinhin na sagot ko.
"Hindi ko alam kung anong oras ba talaga ang dating ni Kuya, alam mo naman 'yon lagging walang pasabi kapag uuwi." Sabi ni Anne sakin habang sinusubo ang cake na pinakuha niya sa isa sa mga katulong nila.
Hindi ko maiwasan maisip kung ano na kayang itsura ni Kuya Luke. Matagal narin bago ang huli naming pagkikita dahil naging busy ito sa pagaasikaso sa kanilang business sa ibang bansa. May natatanggap din naman balita tungkol sa kaniya kapag nagkukwento si Anne. Hindi ko maiwasang mamangha dahil sa murang edad niya may narrating na siya.
"Mia, parating na raw si Kuya tumawag si Mommy sakin he's on his way na raw papunta rito" biglang salita ni Anne na nakapagpatigil ng aking muni-muni tungkol kay Kuya Luke. Biglang bumilis ang tibok ng tibok ng puso ko. After so many years magkikita na ulit kami ni Kuya Luke. Hindi alam ni Anne na may lihim akong pagtingin sa Kuya niya, ayaw ko rin sabihin dahil nahihiya ako isa pa baka isipin niya kinakaibigan ko lang siya dahil gusto ko si Kuya Luke pero hindi iyon totoo.
Maya-maya lang ay may narinig na kaming ingay ng isang sasakyan, malamang siya na'to.
"Kuya!" Sigaw ni Anne habang patakbong lumapit kay Kuya Luke na nasa pinto ng mansyon, lalong lumakas ang tibok ng puso ko, totoong nasa harap ko na nga siya. Mas gumwapo lalo ang kanyang itsura.
Napabaling ang kanyang tingin sakin, nahiya ako bigla kaya tumingin ako sa sahig.
"Anne you're so heavy get off me please" natatawang sabi niya dahil nakakandong na si Anne sa kanyang Kuya. Palapit sila sa kinaroroonan ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Saan ako lulugar sa bahay na 'to?
"Kuya, bestfriend ko si Mia. Kilala mo naman na siya diba?" Pakilala ni Anne sakin.
"Oo naman, simula bata pa kayo, kayong dalawa na ang magkasama 'diba?" Sabay tingin siya sa gawi ko. May kung hindi ako maintindihan sa mga titig niya sakin, parang may kakaiba.
"Welcome home po, Kuya Luke." Nahihiyang bati ko sa kanya.
"Thank you, Mia. Maiwan ko muna kayo magpapahinga lang ako saglit sa kwarto. Magkita nalang tayo mamaya sa party." Pagkatapos niyang sabihin ito ay umalis na siya at umakyat na sa kwarto.
"Halika na Mia aayusan na kita para hindi tay magahol sa party mamaya." Yaya sa'kin ng aking kaibigan.
Umakyat kami sa kanyang kwarto at nagsimula nang magayos. Pinakita niya sakin ang isang simpleng terno ngunit hapit sa aking katawan na damit. Kulay pula ito at nahahati ito sa dalwang piraso, isang pang-itaas na panigurado kapag sinuot ko makikita ang aking tiyan at ang pang-ibaba na ang disenyo ay hapit din at lagpas sa aking talampakan kapag sinuot ko.
Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin kami ni Anne magayos, nakalugay ang aking natural na wavy na buhok na umaabot sa aking bewang.
"Wow Mia! You look so hot! You should wear clothes like this more often nang hindi natatago yung sexy mong katawan" Nahihiya ako sa puri ni Anne, hindi ako sanay sa mga ganitong klaseng damit. T-shirt at jeans lang okay na'ko. Naiilang ako sa mga ganitong klase.
BINABASA MO ANG
Governor's Girl [DISCONTINUED]
Romansa"Sige Mia, makipagusap ka pa sa ibang lalaki alam mo na ang mangyayari sa kanya at sayo. I'm willing to shoot anyone who will talk or touch you. Tandaan mo yan. Isang maling kilos mo lang, tapos ka lalo na siya." Kitang-kita ko ang galit sa kanyang...