Chapter 15

12.1K 185 5
                                    


Magaalauna na ng madaling araw nang pumasok sa kwarto si Luke. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako pagkatapos ng kwentuhan namin ni Manang Esther. Lumundo ang kama, senyales na may umupo sa pwestong walang tao. Gising ako ngunit hindi ko ipinapaalam kay Luke iyon dahil mangungulit nanaman ito.

Lumapit ito sakin at hinaplos ang buhok sabay halik sa ulo ko. May parang kung anong elektrisidad akong naramdaman sa ginawa niyang iyon. Mukhang hindi pa ako makakatulog ulit nito. Tumayo rin naman agad si Luke at lumayo. Narinig ko ang pagsara ng pintuan sa C.R.

Idinilat ko ang mata ko, hindi makapaniwala sa ginawa niya kaninang paghalik sakin. At mas lalong nakakalito ang naging reaksyon ko, bakit parang nakaramdam ako ng paro-paro sa aking tiyan?

Nagmadali akong bumalik sa dati kong pwesto ng marinig ang pagbukas ng pintuan sa C.R. palapit ng palapit ang mga yabag ng kanyang paa sa kama hanggang sa makapunta nga ito sa harapan ko. Pagkalapit niya'y naramdaman ko ang mabangong sabon na panlalaki, hindi siya matapang pero malayo ang amoy sa mga sabon na ginagamit kadalasan ng mga babae.

Naramdaman kong umupo sa gilid ko si Luke. Kahit na nakatalikod ako ay ramdam ko ang kanyang mga titig sakin. At tama nga ako, maya-maya lang ay naramdaman ko ng may humahaplos na mainit na kamay sa aking hita. Simula thigh hanggang bago makarating sa tuhod ang paraan ng kanyang paghaplos. Lumapit pa sakin ito at hinalikan ako sa ulo bago nahiga at inilapit ang katawan ko sa kanya sabay yakap ng mahigpit.

KINABUKASAN pagkagising ko ay wala na si Luke. Siguro nagtrabaho na. Dahil hindi pa siya nanunumpa sa pagiging bagong gobernador ay nasa business muna ito ng kanyang magulang habang inaantay ang araw ng proklamasya.

Palabas n asana ako ng kwarto nang matandaan na andito pala ako sa bahay nila Luke. Ibig sabihin kapag lumabas ako may makakakita samin, kung hindi ang nanay ni Luke o si Anne na mapaglaro ang isip.

"Sht." Bulong ko sa sarili ko ng may narinig na paparating na katulong sa kwarto ni Luke. Dali-dali kong pinulot ang damit ko na nagkalat na ikinagulat ko naman dahil alam ko kagabi ay ito ang mga suot ko pero hindi ko na inintindi 'yon ang mahalaga ay makapagtago ako.

Pumasok ako sa cabinet ni Luke at pinigilan na magingay. Kahit paghinga ay sinuguro kong walang ingay.

Nakasilip lamang ako sa dalawang katulong na nagaayos ng kwarto ni Luke.

"Linda, 'wag kang maingay. Naandito raw si Ma'am Seola kagabi. Magksama sila ni Sir Luke buong gabi bumati sa mga bisita niya" sabi nung isang katulong na hindi ko maaninag ang mukha dahil nakatalikod ito sakin.

"Magtigil ka nga dyan, Susan. Ikaw talaga ang tabil ng labi mo. Baka may makarinig sayo at baka masisante ka pa riyan. Magayos kana lang." Sabay talikod ni Linda rito at bumalik sa ginagawa.

"Totoo ang sinabi ko! Maraming nakakita, oati media! Ininterview nga silang dalawa kung kailan baa ng kasal pero ni isa walang sumasagot" Nagulat ako sa narinig ko. Sino si Seola? Bakit hindi ko siya kilala? Hindi siya nababanggi ni Anne sakin noon. Anong meron sa kanila ni Luke bakit sila magkasama buong gabi? Kaya ba ayaw niya ako pababain kagabi sa party dahil andon si Seola?

"Susan, tumahimik ka nga! Malalagot ako sayo eh. 'Wag na natin sila pakielaman. Mga boss natin 'yun, sila ang nagpapasweldo satin kaya wala tayong karapatan panghimasukan buhay nila" Paliwanag ni Linda kay Susan na ayaw parin tumahimik.

"Panghuli na ito, nakita ko sila kagabi sa garden dahil inutusan akong magtapon ng basura, Linda, naghahalikan sila! Naghahalikan! Na parang ang tagal nila bago muling magkita!" Tanggol naman si Susan sa sarili dahil alam niyang marami siyang baon na konpidensya sa sarili na tama ang mga sinasabi niya.

Governor's Girl [DISCONTINUED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon