Natupad ang gusto ni Luke na rito sa hotel kami magpalipas nang gabi. Buti nalang at hindi siya tumabi sakin kagabi, kahit papano binigyan niya parin ako ng peace of mind. Pagkagising ko kanina ay wala na siya sa kwarto.
May dumating na emplayado nang hotel at naghatid ng pagkain sakin. Tinanong ko rito kung nasaan si Luke, maaga raw umalis si Luke para sa kampanya niya mamaya. May inabot siya sakin na paper bag na pinapabigay ni Luke. Laman nito ang mga damit ko para sa araw na ito at isang mamahaling cellphone. Tinignan ko ang cellphone at nakitang mamahalin ito. Kagaya ng cellphone niya na may pindutan sa gitna pero kulay pink nga lang ang akin at black ang kanya.
Inusisa ko ang laman nang cellphone at nakitang tatlo palang ang laman ng contact lists, kay Luke, kay Anne, at ang sariling kopya ng numero ko. Hindi na ako nagdalawang isip at tinawagan agad si Anne upang mangamusta. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita dahil busy kami pareho sa school.
"Hello..."
"Who's this?" Sa una pa ay nagtaka ako bakit tinanong ni Anne 'yon pero naalala ko nga palang sinira ng Kuya niya yungcellphone ko.
"Sorry, Anne. Si Mia 'to."
"Mia? Bakit? Huh? May number ka sakin... bakit? Bakit ibang number 'to? May nangyari bang masama?"
"Nasira kasi yung phone ko, nahulog sa sink nang C.R. sa school habang naghuhugas ako ng kamay." Nagsinungaling na ako hangga't sa maaari, ayokong sabihin sa kanya na Kuya niya ang dahilan bakit bago na ang number ko ngayon.
Pinilit kong magpaliwanag nang kung ano sa kanya, nagimbento nang kung ano para maniwala siya sakin. Salamat naman at naniwala siya.
"Mia, let's hangout later! Please? Ilang araw na tayong hindi nagkikita" Yaya sakin ni Anne. Tumanggi ako pero panay ang pilit niya sakin kaya wala akong nagawa kundi ang um-oo. Nagusap pa kami nang ilang minuto, nagkamustahan sa mga nangyari samin nung mga panahong hindi kami nagkikita. Syempre hindi ko sinabi sa kanya yung nangyari kay Luke at Matt at yung pagstay naming ni Luke nang isang gabi sa iisang hotel room. Baka kung ano pang sabihin niya sakin.
Maya-maya pa ay binaba ko ang cellphone at naghanda na para umalis sa hotel room na ito na masasama sa isa sa mga pinaka kinakatakutan kong lugar. Habang nagaayos ako ng gamit ay biglang tumunog yung cellphone ko. Hindi ko na tinignan yung caller dahil alam kong si Mia 'yon dahil busy si Luke sa kampanya ngayon.
"Namiss mo agad ako? Magkikita naman tayo mamaya, An—" bago ko pa man matapos yung sasabihin ko ay may nagsalita na sa kabilang linya,
"Sinong kikitain mo?" Naibaba ko ang cellphone dahil sa kaba na dala nang boses sa kabilang linya.
"Damn, Mia. Who the fvck you will meet later?" Narinig ko ang background niya na maingay at mukhang may nagisspeech, pakiramdam ko nasa kampanya siya ngayon at umalis muna sandali.
"Don't test me, Mia. Alam mo ang kaya kong gawin, kung ayaw mong laging nakasunod ako sayo tigilan mo 'yang pagalis mo." Ramdam ko ang inis sa boses niya.
"Luke, si Anne yung kasama ko. Magkikita kami mamaya after class."
"No. After class you will be heading to my apartment. 'Wag mo nang balakin na umalis. Sumunod ka sakin kung ayaw mong maygawin akong hindi mo magugustuhan."
"Please, Luke. Si Anne talaga yung kikitain ko mamaya kahit tawagan mo pa sy—"
"NO. STILL A NO. GUSTO MO TALAGA YUNG INIINIS AKO 'DIBA? SIGE, SUBUKAN MONG PUMUNTA MAMAYA." Binaba na niya ang tawag. Kahit ano pang pagbawal niya sakin ay hindi ako susunod sa gusto niya. Talaga naman na si Anne ang kikitain ko. Kapatid naman niya 'yon kaya hindi ako naniniwala na may gaawin siya mamaya at hindi ako natatakot kung mahuli man ako dahil wala naman akong gagawing masama.
BINABASA MO ANG
Governor's Girl [DISCONTINUED]
Romance"Sige Mia, makipagusap ka pa sa ibang lalaki alam mo na ang mangyayari sa kanya at sayo. I'm willing to shoot anyone who will talk or touch you. Tandaan mo yan. Isang maling kilos mo lang, tapos ka lalo na siya." Kitang-kita ko ang galit sa kanyang...