Mga mag-aalasyete na pero hindi parin tapos ang laro nila Matt. Medyo marami rin ang nanood sa laro nila karamihan ay lalaki kasi may kasamang pustahan ang liga na ito. Nakaupo ako sa may bench nila dahil wala naman akong kakilala sa mga nanonood kaya nakiusap si Matt sa coach nila kung pwede ako makiupo roon.
Inilibot ko ang mga mata ko sa court at tinignan ang mga nanonood, maraming nagchicheer kay Matt dahil hindi ko maikakaila na magaling siya maglaro ng basketball. Hindi naman ito pinapansin ni Matt at tutok sa laro. Kapag break naman ay dumidiretso ito sakin at lagi akong tinatanong kung okay lang ba ako.
Last quarter na at lalong nagging mahigpit ang laban, lamang lang ng isa ang grupo ni Matt. Dahil nga sa kagustuhan ng dalawang koponan na manalo ay sinasamahan na nila ito ng pisikilan. Kahit sa unang quarter palang ng game ay halatang may nangyayaring personalan sa loob ng court. Maswerte nalang si Matt dahil mahaba ang pasensa nito kaya walang nakakaaway ng patago sa laro.
Limang segundo nalang ang natitira at hawak ni Matt ang bola, mahigpit ang bantay sa kanya pero nagawa niya itong lusutan at nashoot ang bola, 3 points! Napapalakpak ako sa tuwa at napatayo dahil sa sobrang galak ko. Ina- announce na kung sino ang nanalo at nagkamayan ang dalawang grupo. Nagpuntahan sila sa bench at nagbatian.
Lumapit sakin si Matt, "Mia ano? Ang galing ko ba?"
"Oo na! Magaling kana pero sa ngayon lang 'yan ah!" Natatawa kong asar sa kanya.
"Aminin mo nalang kasi na magaling nga ako at pogi pa habang naglalaro" Asar niya pabalik.
"Ang kapal mo Matt! Saan ka kumukuha ng lakas ng loob para sabihin 'yan?" Bago pa makasagot si Matt ay dumating na si Mark para gatungan ang kalokohan ng kaibigan.
"San pa ba? Edi sayo Mia! Mas ginalingan nga niya ang paglalaro ngayon! May inspirasyon kasi..." Napalakas ang pagkakasabi ni Mark 'non kaya naman nagtinginan ang mga ibang ka-teammate niya at nakisama sa asaran.
"Kaya pala ang lakas makipagbungguan kila Suarez kanina ni Matt, may kasama" Biro pa ng isa sa mg aka-teammate ni Matt.
Nahiya naman ako sa mga sinasabi nila kaya naman wala akong nagawa kundi yumuko nalang at pakinggan ang asar nila kay Matt. Tumatawa at umiiling lamang si Matt sa mga asar sa kanya.
"Mia, ano tara na? Hatid na kita kila Anne, medyo late ka na." Natapatingin ako sa orasan ko, sht. Alas otso na, ang usapan namin ni Anne ay alasyete, late na ako ng isang oras!
"Halika na Matt, late na nga ako sorry sa abala." Dumiretso na kami kung saan nakapark ang kotse niya at dali-daling pumasok sa kotse. Habang nasa byahe ay wala akong ibang maisip kundi si Luke, paano kapag nalaman niyang late ako? At ang mas grabe pa roon ay paano kung nalaman niyang buong maghapon kaming magkasama ni Matt?
"Mia, nakikinig ka ba?" Napatingin ako sa gawi ni Matt, hindi ko namalayan na kanina pa pala sia nagsasalita samantalang ang pagisiip ko ay naglalakbay.
"Ano nga ulit 'yon Matt? Hahaha. Pasensya na may iniisip lang ako."
"Ang sabi ko sa susunod na game namin sana makanood kana, ayon finals na 'yon kaya kailangan ko ng suporta mo." Nakangiti niyang sabi sakin.
"Oo naman Matt! Talagang pupunta ako titignan ko kung magaling ka ng aba talaga" Asar ko sa kanya.
"Hindi pa ba sapat ang pinakita ko sayo Mia? Kapag kami nanalo sa finals ah, ililibre mo ako!" Proud na sabi niya.
"Oo na, oo na. Magdrive ka na dyan"
Eight-thirty na ng makarating kami sa mansyon at nakita kong marami nang tao sa loob at nagkakasayahan na. Marami sigurong bisita ang ina at ama ni Luke na politico o di kaya'y mayayaman na angkan dahil ang daming nakaparadang sasakyan sa labas at ang dami rin bodyguard na nakakalat.
BINABASA MO ANG
Governor's Girl [DISCONTINUED]
Romance"Sige Mia, makipagusap ka pa sa ibang lalaki alam mo na ang mangyayari sa kanya at sayo. I'm willing to shoot anyone who will talk or touch you. Tandaan mo yan. Isang maling kilos mo lang, tapos ka lalo na siya." Kitang-kita ko ang galit sa kanyang...