Chapter 5: Wrong Timing

202 13 1
                                    

Alex's POV

*bsst!*

From:09*********

Andito sa 'kin ang history book mo, bukas ko nalang isasauli

-Reign

Pero kailangan ko 'yun ngayon! Huhu!

To:09*********

Send mo nalang sa 'kin ang address. Please, kailangan ko talaga yan ngayon.

Sent.

ARGH! Bakit ba kasi napaka-wrong timing ng mga bagay bagay!

Naitapon ko ang isang iphone ko sa sobrang fustration.

Ilang minuto pa ang nakalipas at binigay niya ang address sa 'kin.


*bsst!*


From: 09*********

Pero 5 p.m. na, mukhang uulan pa kaya bukas nalang, delikado tsaka traffic.

-Reign

What?! Ano pa bang paki niya?

Reign kailangan ko talaga yun! Hindi pa ako nakakapag-simula stress na agad!

To:09*********

Sabihin mo nga sa 'kin, papaano ko sasagutin 'yung exam? Tsaka saan mo ba nakuha ang number ko?.

Sent.

Ang bagal pa mag-reply amp! Mas mabilis pa yata ang lakad ng pawikan.

Habang hinihintay ko ang reply niya naglakad na sa parking, Madali nalang hanapin ang kotse ko kase kaunti nalang ang naka-park.

Sumakay na ako sa kotse nang maramdaman kong nag-vubrate ulit ito.

*bsst*

From:09*********

Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Quezon City, ************, Tsaka nakuha ko ang number mo sa kuya mo, aabangan nalang kita 'dun sa may Jollibee.

-Reign

Ang layo ng Quezon City!

Tsaka grabe si Raven ah. Binibigay ang number ko nang hindi nagpapaalam sa 'kin.

To:09*********

Oh saan naman 'yun? Baka mawala ako ah! Lagot ka sa 'kin.

Sent. Binuksan ko na ang makina, Huhuhu! 5:15 p.m. na.

*bsst!*

From:09*********

Pwede mo naman gamitin ang GPS mo diba?

Oo nga naman, binuksan ko ang GPS ko at nag-enter ng location.

Ang tanga ko rin kasi, bakit ko ba kasi iniwan ang libro! Nakaka-asar!

Love String [On-Going] Where stories live. Discover now