Chapter 13: Family Day part 2

136 13 0
                                    

Reign's POV

Nang makalapit kame kay Alex dahan dahan ko siyang tinayo, Shit! May sugat siya.

Bwiset na Kaizer yun! Ano bang problema niya!

Tatayo na sana ako nang pinigilan ako Alex  "Wag mo nang patulan, tulungan mo nalang akong makatayo" kaya naman agad agad ko siyang binuhat na parang bagong kasal..

"Oy tol teka lang!" Narinig ko pa ang sigaw niya.

Nyeta! Wala na akong pake patuloy na dumudugo ang paa.

"Railey! Tara na" Dinala ko na si Alex sa pinaka malapit na clinic dito, Mabuti nalang may malapit na clinic dito sa Park..

"Reign Okay lang ako, sugat lang toh" hindi ko naman siya sinagot.

Bigla namang pumasok ang nurse "Wala po kayong dapat na ipagalala, di naman malala ang sugat niya, mahaba lang ang pagkaka cut pero di naman malalim, yun ang dahilan kung bakit ang daming dugo na lumabas" tumayo naman ako ang tinignan ang sugat na naka Gauze.

Alex's POV

"Opo" tsaka naman nagpa cute nitong nurse kay Reign..

Akala mo naman maganda, ang chaka naman ng mukha.

Hinarap naman ni Reign ang Nurse "Sigurado ka ba nurse?"

Sinubukan namang tumayo "Asawa ko naman eh, tignan mo oh!" Habang pinapakita ko sakanya na kaya ko pang maglakad "Tsaka gusto kong bumawi sa anak natin" Tsaka ko tinarayan ang nurse.

Tsk! Akala mo naman eh! Ang tanda tanda na papatol pa sa Bata!

Lumapit naman ako kay Railey at kinarga siya "Baby diba gusto mong bumawi sayo si Mommy at Daddy?" Tumango naman ito at parang naiiyak.

"Oh bakit umiiyak ang baby ko?" Umangat ang mukha nito ang nagpout "Di na matutuloy ang Family Day natin, Mommy You need to rest na"

"Hayst! Aalis na tyo, Tara DHIE" nilakasan ko ang salitang DHIE para matutong dumistansya ang haliparot, Kaya naman nagtuloy tuloy kame hanggang sa makalabas kame ng Clinic.

"Woaahhhh! Ate Alex ang galing mo po mag act, I want to be like you po Ate Lex" sabi niya habang nilalaro ang duluhan ng buhok ko.

Binaba ko naman sya, nabibigatan na kase ako eh "Bwuahahaha! Magaling ka na nga mag act baby eh, high five" tsaka ako nakipag apir sakanya.

"Asawa ko raw.. wala ka pa nga sa legal age eh" Reklamo Niya.

"Wag ka ngang kj, swerte mo nga tinulungan pa kita dun sa Haliparot na yun"

"Talag bang tinulungan mo ko? Or tinulungan mo ang sarili mo na wag magselos" at nagpapakita nanaman ang pagkapilyo niya.

"Oh tama na, tara na Railey iuuwi nalang natin si Ate Alex mo sa bahay nila" Agad naman lumiwanag ang mukha ni Railey.

Tsk tsk! Magche-change ng topic... Swerte niya may kasama kaming bata.. kundi gagawin ko ulit sakanya ang ginawa ko sa mall.

"Makikita ko na ang bahay ni Ate??" Tanong naman ni Railey na sobrang excited.

"Yes baby kaya tara na!" Hinawakan ko ang kamay niya at sabay kameng naglakad.

[/Yu Residence;]

"WOAAHHHH! Ate alex ang laki po ng House niyoooo" Sabi na eh, ito talaga ang magiging reaction niya.

"Tara na baby, pasok na tayo sa loob" nauna siyang maglakad sakin, hinihintay ko pa kase si Reign eh.

Napansin niya atang hindi ako nakasunod kay Railey "Hintayin na kita DHIE pfft!" Binigyan ko naman siya nang ngiting napak pilya.

"Ikaw ah! Utak mo Violet na" Tsaka naman siya tumawa ng mahina

Love String [On-Going] Where stories live. Discover now