Alex's POV
"Miss alex bakit naman po black ang gusto niyong kulay ng gown niyo?"
Tanong ni Charlie ang baklang designer na hinire ni Mameh para sa debut ko.
"Ayaw niyo po ba ng light colors? Like Pink, Sky Blue, Red..."
"Di 'ko naman gusto ang mga kulay na yun, masyadong pambabae" pagpapaliwanag ko.
"Tsaka ever since I was a little 'di talaga ako nahumaling sa mga Princesses"
Bakas sa mga mukha ng team ni charlie ang gulat.
"Eh bakit naman po Miss Alex? Eh hindi naman po ba kayo ano diba? Hehe"
"Hindi ako tibo, siguro kasi hindi naman lahat ng babae pinapangarap maging prinsesa"
Mukhang satisfied naman sila sa sagot ko kaya iniwan na muna nila ako para makahanap ng designs para sa gown ko.
"Ngayon ko lang nalaman na 'di ka pala mahilig sa mga Disney Princess"
Napatingin ako sa sinabi niya.
Kasama ko nga pala si Reign dito sa shop kung saan kami magpapagawa ng Gown at Tux para sa debut ko.
"Kakasabi ko nga lang ih!" Nagmadali akong lumayo sakanya.
After what happened yesterday naiilang ako sakanya.
'Di ako sanay sa ganung eksena, nararamdaman ko talaga ang pamumula ng mukha ko nun hayst! Kakahiya!
Nagulat ako ng may humablot ng kamay ko "Bakit mo ba ako iniiwasan?"
"A-ano ba? Bitawan mo nga" lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"Sorry"
Huh?
"Sorry kung naiilang ka sakin dahil sa nangyari kahapon" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Wala an yun" sagot ko.
"Sinungaling, di ka nga makatingin sakin eh"
Lord bakit po? Bakit po ba kayo ganito? Bakit po ba siya ang partner ko edi sana di pa awkward kung after 2 days pa kami nagkita simula nung nangyari kahapon jusqqq!!
"Sorry, naiilang lang talaga ako di kasi ako sanay na ganito tayo.."
"Pwes masanay ka na, kasi simula ngayon parati na tyong ganun"
Hinawakan niya ang kamay ko tsaka kami nagpatuloy sa paghahanap ng mga susuotin.
Magkahawak kamay kami?
Nakahawak siya sa kamay ko?
Teka anong nangyayari? Bakit biglaan nalang naging mabait to?
"Wuy! Tinatanong kita kung okay ba to sayo? Kasi diba gusto mo ng black?"
Natauhan ako nung narinig ko na siyang nagsasalita