Chapter 32: Plans

64 2 0
                                    

Alex's POV

Nakauwi na ako galing hospital kagabi.

Yun nga lang hanggang ngayon eh 'di pa talaga okay ang nararamdaman ko.

Habang pauwi kami kagabi, nasabi ko na kay Mameh ang plans ko about my birthday.

Salamat naman at pumayag na siya.

At sinabi niya rin na kami nang bahala ni Reign sa mga gagawin.

Mabuti nga at hindi sila nagalit kay Reign dahil dun sa nangyari.

'Di ko na alam kung papaano na ako pag wala si Reign.

Si Leihan naman busy kay Kuya at sa Company nila.

Si Kuya at ang parents ko nagtratrabaho.

Si Reign nalang nga ang kasama ko araw araw eh.

*toktok*

Ha?

"Iha si Reign andyan sa Baba kanina ka pa hinihintay" sabi ni manang josie.

"Opo manang, pakisabi nalang po kay Reign na bababa na ako" utos ko kay manang.

Tumayo na ako sa kama at agad nag ayos, syempre magbra muna tayo bago bumaba.

Delikado na sa panahon ngayon mahirap magtiwala diba?

Pagkababa na pagkababa ko ay naabutan ko si Reign na kumakain.

"Kakadating mo lang kain agad? Mahiya ka naman" sabi ko.

Tinignan niya ako.

"Si manang nag aya ah, oh kain ka" Offer niya sakin.

Umayaw ako at inilabas ang dala niyang laptop.

Feel at home ang mokong

"Reign pa open please" sabi ko habang inaayos ang dulo ng damit ko.

Kay kuya kasi to hiniram ko lang HAHA!

Alam ko karamihan sa Girls ang mahilig sa malaking white cotton t-shirt tapos walang bra HAHA!

Lumapit naman siya sakin habang umiinom ng juice.

"Ano ba yabg damit mo? Kaunti nalang kita kaluluwa mo" reklamo niya.

"What's wrong about my shirt? Andito lang naman ako sa bahay eh, pati ang luwag nga oh"

Tumayo ako at pinakita sakanya kung gaano kaluwag ang T-shirt na gamit ko.

"Tsk" sagot niya tsaka sumubo ulit ng calamares.

Galit? Umupo ako sa tabi niya at nakita ko namang may binubuksan siyang editor app sa Laptop niya.

"Oh ikaw na magdedesign para sa invitation, kailangan natin to tapusin as soon as possible" sabi niya.

Dumistansya siya kaunti at hinayaan na niyang ako ang magkalikot sa Laptop niya.

In-enter ko muna ang password ng wifi dito sa bahay para makapag search ako ng mga Ideas para sa debut ko.

Typing.... (Harry Potter Style Invitation)

Nag pop up ang mga pictures ng iba't ibang klase ng invitation.

At may isa dun na exact ang detail kung paano ko gustong i-design at i-organize ang party ko.

Alam niyo kung pwede na nga lang pamilya lang nila Reign at Leihan ang pumunta eh okay na.

'Eh kaso ayaw naman ni mommy ng ganun, gusto niya raw bumawi sakin.

Kahit di naman niya kailangan.

Love String [On-Going] Where stories live. Discover now