Chapter 35: Gift

30 1 0
                                    

So eto na talaga mga Shaney's jusko! After how many months nakapag-update na rin, ini-scan ko ang simula nitong story at nakaka-cringe HAHA! Walangya! Promise sa next story ko aayusin ko na talaga, masyadong maraming errors jusko plus grammar na nakaka-cringe HAHA!

Stay muna tyo sa bahay at always mag sanitize mga Shaney's Lovelots!

《●》《●》《●》《●》《●》《●》《●》《●

Alex's POV

Sa wakas unti-unting umaayos ang lagay ni Manang nagising na siya pero hindi pa rin siya nakakapagsalita.

Payo ng Doctor na sa bahay nalang siya magpahinga, at least hindi siya lalong ma-stress sa hospital, at dito sa bahay mas komportable siyang magpapagaling.

Andito ako ngayon sa kusina at hinahanap 'yung cereal na binili ni Reign.

Asan na kaya 'yun? Kanina ko pa 'yun hinahanap, binukas ko na nga ata lahat ng cabinet dito sa kusina.

"Ahm ate?" Halos tumalon ako sa pagkakagulat.

"Neng! Jusko! Wag mo naman akong gulatin haha" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.

Dito na rin muna namin pinatuloy ang anak ni manang na si Neneng, gustuhin man ni Mom na kami nalang ang mag-aalaga sakanya, pero mas mabuti na ang anak niya ang kasama niya sa pagrerecover.

"Ah pasensya na po kayo.." sabi niya. ".. hinahanap niyo po ba yung maliliit na chichirya?" Tanong niya.

Chichirya? Ano 'yun?

"Ano 'yun?" Tanong ko.

"Yung dilaw po na maliliit na chichirya, hinahaluan po ata yun ng mainit na gatas" sabi niya.

Yung cereals ata ang tinutukoy niya, "Oo yung cereals ba? Nakita mo ba kung saan ko 'yun nalagay neng?" Tanong ko habang patuloy pa rin sa paghahanap.

"Kinain na po ni sir Raven kanina" sabi niya.

Argh! Kuya naman eh!

Kinuha ko nalang 'yung biscuit na nasa box at 'yun ang kinain ko for breakfast.

Nakita ko naman siyang naglakad palabas ng kusina.

"Neng" I called her.

"Po ate?" 15 years old pa lang siya at napaka-mahinhin at mahiyaing babae, sa sobrang mahiyain niya, ayaw niyang galawin ang mga stock ng pagkain na binili namin para sakanilang dalawa.

"Ahh kumain na ba si Manang Josie?" Tanong ko.

"Wala pa po ate" sagot niya.

"Ahmm wag kang mahiya ah, 'yung stock ng pagkain na binili namin is for you and Manang Josie, if may gusto kang bilhin don't be shy to call me or my mom, okay?" Tanong ko.

"Opo" she nodded before heading back to their room.

Naglakad ako papunta sa sala at umupo sa sofa. Haysssss! Ilang araw na ang nakalipas hindi ko na nakikita si Reign, pagkatapos nung nangyari sa amin sa hospital, walang text, walang call, walang kahit ano.

The day after tomorrow na ang debut ko, makakapunta pa kaya 'yung mokong na 'yun? Gusto ko siyang i-contact, pero papaano kung hindi niya sasagutin ang calls ko?

'Arghhh! Alex ba't bang alalang-alala ka?' I asked my self.

Ano pa bang pake ko kung hindi siya makakapunta?

Pero kailangan ko siyang kausapin, hindi ko kasi alam kung papaano ang flow ng program ko.

Sana pala pumayag nalang ako na si Mommy na ang bahala para sa party ko.

Love String [On-Going] Where stories live. Discover now