Chapter 24: Red Spot

135 5 2
                                    

Reign's POV

Sarap ipatapon sa china si Shine.

"Reign Baby sor-sorry na-a, pa-patawarin m-mo na a-ako please *sobs*" kanina pa siya nagmamakaawa sakin.

"Ano pa ba kasing problema mo sa 'kin ah?! 'Di pa ba sapat yung pag iwan mo sa 'kin noon?! Bakit ngayon kung kailan masaya na ako tsaka ka pa babalik?!"

Putek! Nakaka baklang umiyak!

"Shine naging masaya ako nung wala ka, kaya pwede bang umalis ka na? Di na kita kailangan at lalong lalo na HINDI NA KITA MAHAL"

Tumayo siya at humarap sakin "Kung 'di mo na nga talaga ako mahal eh bakit ayaw na ayaw mo na magkasama tayo?"

Taena! Tanga ba talaga ang babaeng to?

"Ayaw ko na magkasama tayo kasi alam ko na mahal mo parin ako, hindi mo ba naiintindihan?" Sagot ko sa tanong niya.

"At ayoko rin na nasa paligid ka kasi nabwi-bwiset ako, gusto kitang saktan, gusto kong ipamukha sayo kung anong sinayang mo!"

Ibang iba na nga talaga siya, mabuti nalang talaga at naghiwalay na kami.

"Si Alex ba?" Tanong niya.

Papaanong napunta kay Alex ang usapan?

"Si Alex ba ang dahilan Reign?"

"Ano bang pinagsasabi mo ah? Bakit nadamay dito sa Alex?"

Patuloy parin ang pag agos ng luha niya "Diba si Alex ang dahilan kung bakit ayaw mo nang makipag balikan sakin?"

Nadamay pa tuloy yung impakta.

"Hindi ba pwedeng ako muna kahit ngayon lang?"

Takte! "Ano bang klaseng pagdradrama yan?!" Sigaw ko sakanya.

"Bakit ba nadadamay si Alex dito eh wala naman siyang kinalaman ah?! Ikaw ang nangiwan sakin kaya bakit mo sinisisi sa iba ang pagkakamali mo noon?!" Napatayo na ako sa sobrang galit.

Tang! Puta! Ano bang problema ng babaeng to?!

"Masaya ka kasi kapag kasama si Alex, kahit na naiinis ka, nakikita ko parin ang saya kapag kasama mo siya"

A-ano? Masaya? Hayst. Oo masaya ako kapag kasama ko si Alex, Pe-pero di naman siguro sa gano-noong ano 'di ba?

Di pa ako ready makipag In a Relationship ulit, nandito pa rin yung takot.

"Kung ano mang yang nasa isip mo, please, wala akong nararamdaman para kay Alex, hindi dahil sa Mahal parin kita..."

"... Gusto kong Mahalin si Alex or kahit sino ba, ay yun ay mahal ko talaga siya, hindi sa nagagandahan ako, natutukso ako... Gusto ko kapag nagmahal ako ulit, yung sigurado na akong mahal ko siya at mahal niya rin ako..."

"... Yun ang pagkamamali ko noon, akala ko mahal kita at mahal mo ko, Yun pala laro laro lang ang lahat, laro mo lang at hinayaan ko rin na gawin mo kong laruan..."

Nakita kong nangingilid na ang luha niya.

"... At ngayon kung nakikiusap ka sakin para gawin mo ko laruan pwes pasensya na, pagod na akong makipaglaro, AYOKO NA" diniin ko ang salitang 'Ayoko na' para malaman niya na ayoko na siyang makita at lubayan na niya ako.

"...  Hindi ka pa ba pagod? Di ka ba napapagod sirain ang buhay ng ibang tao Shine? Move on! Papaano ka magiging masaya kung patuloy mo parin pinanghahawakan ang nakaraan?.."

"Sabihin mo sakin Reign *huk* Ma-masakit kasi! Nagpakatanga ako dati *huk* nagsisisi parin ako sa ginawa ko sayo *huk*" lumuhod siya sa harapan ko.

Love String [On-Going] Where stories live. Discover now