Alex's POV
Ilang araw na ang nakalipas nung umalis si Reign.. Hanggang ngayon wala pa akong balita sakanya.. kahit ang ate niya eh di niya rin alam kung nasan si Reign.
*Ting*
Dweign: Okay ikaw bahala.
Shane: Galit ka ba?
Nagchachat nga pala kami ni Dweign.. Diko kasi ma-contact si Reign eh.. Tinetext ko eh di naman nagrereply.. kapag naman tumatawag ako eh hindi rin naman niya sinasagot.
Dweign: Baka naman may importanteng ginawa lang hehe.
Shane: Mas Importante pa saakin?
Nga pala kanina pa kami nag uusap nitong lalaking to at ang tagal mag reply.
Dweign: Baka may Emergency lang.
Shane: Ano naman yun?
Dweign: Secret Babybabe, Pero promise.. pagkatapos nito buong atensyon ko nasayo na.. promise.
Sana lahat diba?
Shane: Ibang babae ba ang pinag aabalahan mo? /pout;
Dweign:... Kaming mga lalaki kahit na marami kaming kalokohan pero pagdating sa mga taong mahal namin seryoso kami... kaya naman please, wag mong isipin na may ibang babae ako.. just trust me.
Shane: Okay Babybabe, please wag mong sirain ang tiwala ko sayo /smiles*
Dweign: Of Course.. as your ka-rs hinding hindi kita sasaktan /wink;
Pfft! Pare pareho lang kayo!!!
Jk! HAHAHAHA!! Kahit gaano ko gustong sabihin eh di naman pare pareho ang mga lalaki.
Shane: Promise mo sakin yan ah! Pfft! Hahahaha!
Dweign: Tinatawa tawa mo dyan ah? Laplapin kita dyan eh!
Shane: Aba!
Dweign: Joke lang babe /peace sign;
Shane: Good! Hahahaha!
*bzzt*
Ito nanaman po tayo noh? Tag nanaman sa Facebook HAHAHAHA!
Nakatag ako sa isang Shared post tungkol sa RS.
Imagine,
Its year 2030 nasa loob ka ng dati mong kwarto at nililigpit mo yung mga dati mong gamit hanggang sa naagaw ng pansin mo ang isang notebook pag ka bukas mo nito,nakita mo yung Email at Password nung dati mong Rp account tapos dali dali mong kinuha yung cellphone mo para mag log in sa Rp Account mo at pag bukas mo ng account mo,napangiti ka sa mga nakikita at nababasa mo hanggang sa napako ang tingin mo sa isang conversation at hindi mo naiwasang mapangiti at Kiligin hanggang sa may yumakap sayo patalikod at nabasa nya din kung ano yung binabasa mo at sabi nya sayo "Binabasa mo na naman yung convo natin dati,patay na patay ka talaga sakin" napangiti ka na lang at sinabi mo sakanyang "Nakakatuwa lang kasing isipin na yung taong nakilala ko lang sa pekeng mundo,asawa ko na ngayon at makakasama ko nang harapin ang tunay na mundo".