Reign's POV
"Wala na akong ganang gumala, uuwi na ako" Sabi ni ms. Lumpo at naunang naglakad.
Tinawag pa siya nitong Leihan pero 'di na niya pinansin at naunang mag-lakad
"Bro, Anong problema ng kapatid mo?" Tanong ko.
Bigla namang kumunot ang noo ni Raven
"Family matters, 'yaan mo na lang" Sagot niya.
Bakas sa mukha nitong Leihan ang pag-aalala
Ano ba talagang nangyayari? Ang bago ko palang dito problema agad.
"Tara sundan natin 'yun" Sabi ni Raven tsaka ngumuso kay lumpo.
"Talaga lang, hindi ko pa nababayaran 'to oh" Sagot naman ni Leihan habang tinuturo ang shopping cart.
Ayos! Nag-shopping walang pera pang-bayad.
Napasapo nalang ako at nauna narin maglakad.
Iniwan ko na silang dalawa para sundan si Alex? Lexa? Lex? Putangina basta 'yun na!
Naramdaman ko namang sumunod sila sa 'kin at nilingunan kami ni lumpo.
Ang dami pa nilang pinag-awayan at halos magkaroon na ng WWE live dito sa mall.
Ilang minuto pa ang nakailipas at naunang umuwi si lumpo at naiwan naman kaming tatlo.
"Lei? Kaya mo na bang umuwi mag isa?" Rinig kong tanong ni Raven.
Napatingin naman ako sakanila at inaantay ang sagot ni Leihan.
"Ako nalang ang maghahatid kay Leihan bro" Pag-ooffer ko.
Ayokong umuwi ng maaga sa bahay, wala namang katao-tao 'dun eh.
"Sige bro, Ingatan mo yan ah, Mauuna na ako may readings pa ako eh" Paalam niya sa 'min.
Pabalik-balik ang tingin ko kay Leihan at Raven.
Kumaway na siya samin at naiwan kami.
Magpapakilala muna ang Gwapong nilalang sa balat ng Lupa, Stanley Reign Dela Cruz o mas kilalang DWEIGN CLIFFORD sa RPW.
Alam kong nakaka-baklang isipin pero straight 'to tol.
"So Reign diba? Uuwi ka na ba?" Napatingin ako kay Leihan.
Type siguro 'to ni Raven kaya ganun 'kung maka-asta.
"Ihahatid pa kita, baka magalit pa sakin si Ven pag may nangyaring masama sayo." Sabi ko at naunang maglakad.
Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na kami sa Parking lot.
Ano kaya ang family issue nila Raven? 'Di naman sa pagiging chismoso pero 'kung 'di naman ganun kalala yun, 'di rin naman magiging ganun kalaki ang galit ni lumpo kay Ven.
Lumingon ako para tignan kung nakasunod ba si Leihan.
Tumigil muna ako para makahabol siya.
"Leihan pwede bang magtanong?" Tanong ko.
"Sure go." Sagot niya sakin habang gumagamit ng phone
"May alam ka ba tungkol 'dun sa family issue nila Raven at Alex?"
Matapos kong itanong 'yun biglang sumeryoso ang mukha niya
"Kay Raven mo nalang itanong yan Reign, Wala akong karapatan sabihin sa iba ang tungkol sa issue nila." Sagot niya.
Tangina, sana 'di nalang ako nagtanong.
Pero tama naman si Leihan, 'kung anong problema nila, kanila nalang 'yun.