Alex's POV
"Dalawang Coke Float pati Dalawang Super Value Meal" Nag oorder na ako ng kakainin namin ni Reign.
Andito kami sa Jollibee, malapit sa shop na pinuntahan namin kanina.
Sakto rin kasing lunch time na at nagugutom na yung driver ko haha!
"Super Value meal? Teka ang takaw mo ah, baka naman pagdating ng debut mo di na kasya ang gown mo niyan HAHAHAH!" Nang aasar pa amputek.
"Ma'am 10 minutes pa po ang Chicken namin okay lang po ba sainyo ang mag wait?" Tanong nung Cashier.
"Ahh Yes po" Sagot ko.
Ito lang ang ayaw ko sa mga fast food chain paminsan kasi nadedelay ang luto or nauubusan sila ng stock kaya kailangan mo pa mag wait.
Kinuha ko na ang number namin at naghanap ng ma-uupuan.
"Tahimik amputek" rinig kong sabi niya.
"Ano?" Tanong ko.
"Wala sabi ko ang ingay"
Pilosopo pa amp, bahala ka nga jan.
Hindi ko na siya pinansin at inopen ang RP Account ko, ilang days ko na nga rin hindi inoopen to eh.
Babybabe:
Mag online ka naman babe
Wuy!
Babe naman!
Miss na kita baby hindi ko na kaya🎤
Babe gahasa or sagasa? Jk.Baliw tong lalaki na to, sino ba namang magtatanong ng gahasa or sagasa?
Me: ikaw sasagasain ko pag di ka mag oonline psh!
Yun lang ang nireply ko tsaka agad nag log out. Ichecheck ko muna ang Instagram ko.
jhid_2mps and KimRae21 liked your postFollow Stanley Reign Dela Cruz, Charmaine Hilario and others you know to see their photos and videos.
Soul_rene and 7 others liked your post.
Hmmm. Yun lang naman pala.
Dumating na ang order namin at nagsimula na kaming kumain.
*ting*
Huh? Kinuha ko ang phone ko at inopen ang messenger.
Reign: Ba't ang tahimik mo?
"Woy! Anong trip mo?" Tanong ko.
"Ang busy mo sa phone mo eh, kaya naisipan ko na i-message ka, baka sakali namang magreply ka" Sagot niya tsaka sumubo ng Shanghai.
"Chineck ko lang naman ang mga social media accounts ko, it's been a week narin kasi simula nag open ako ng Facebook at Instagram"
Tumango lang siya tsaka kami nagpatuloy na kumain.
Raven's POV
Bumaba na ako ng kotse kasama si Leihan, andito kami ngayon sa Jollibee.
Nag aya kasi yung isa eh, 'di ko narin tinanggihan,lunch break narin at wala akong kasamang mag lunch sa office.
"Teka, Si Alex ba yun?" Turo ni Lei.