Chapter 10: Birthday?

175 15 1
                                    

Alex's POV

*Flashback*

To:Ms. Lumpo

Hey, Rest Well

*End Of Flashback*

Hanggang sa pag gising ko sa umaga patuloy parin sa pagrereplay ang Message niya sa utak ko, Alexxx! Tama naaaa!

Hey, Rest Well

Hey, Rest Well

Hey, Rest Well

"Alex Maligo ka na may naghihintay na sayo sa baba" Epal naman tong si Raven eh.

Tumayo na ako at pumasok sa CR para maligo..

Hey, Rest well

Hey, Rest We--

Aish! Bakit ko ba iniisip yun? Myghad Alex.

Tinapos ko na ang pagliligo tsaka nagtoothbrush, Lumabas na ako sa CR para makapag bihis.

Hey, Res---

Tama na Alex! Nabubuang ka na! Jusme..

Binilisan ko narin ang pagbihis at dali daling bumaba, Kailangan ko munang kumain---

"Hello Alex" Reign? Anong ginagawa niya dito?

Tumingin naman sakin si kuya at tumawa ng mahina "Tapos ka na palang maligo, siya pala ang naghihintay sayo." Ngek? Anong trip nila?

"Tara na po Ms. Alex, ihahatid ko na po kayo"

"Ngayon ko lang nalaman na may pumalit na pala sa Family driver natin, ayos ah.. Mgkano ang sweldo?"

"Di po ako Family Driver, Personal Driver niyo po ako.. Pero para sainyo gagawin ko nalang toh ng Libre" ayos ah, Tumingin ako kay Raven.

"Magkano binayad mo dito?" Tinignan niya lang ako pero di sumagot.

"Magtanong ka ng maayos ang Kuya mo Alex" Sabi sakin ni Reign, Aba.

"Akala ko ba Personal Driver? Bakit parang gusto mo naring maging Values Teacher?" Nakakainis!

"Ah ganoon? Dahil ganyan ka magsalita wala kang shopping, At kakaunti lang ang pagkain mo" Aba! Excuse me pera ko ang ginagamit ko sa pagpapabili ng nga gusto ko

"Hindi ikaw ung nanay or yung tatay ko"

Ngumit naman ito ng pilyong pilyo "Diba nainform sayo ng mama mo na hawak ko ang card mo?" Wait what?!?!

Kinuha ko ang Wallet ko tsaka chineck ang mga cards ko..

Wala lahat ng cards ko, pati ang ATM card ko wala! Arghhhh!

"Sabi ng mama mo sakin pwede naman pala gumamit ng Black card kaya ayun nalang ang binigay niya sakin" pinakita niya sakin ang black card.

"Pero kapag binastos mo ang kuya mo or kahit sino dito sa bahay sorry ka nalang" huhuhu! Lord bakit niyo po ba ako tinotorture!

"Eh ano bang kailangan kong gawin para mabawi ko ang lahat ng Cards ko?" Tsk! Gusto kong pumatay ng puno.

"Respetuhin mo ang kuya mo, tsaka gusto ko matutunan mo ulet siyang mahalin" WHAT THE! Argh!

Love String [On-Going] Where stories live. Discover now