I called my parents na pauwi na ako at kakabukas pa lang ng gate, nandun na sila sa labas ng bahay, naghihintay.Hindi ko na napark ng maayos ang sasakyan at lumabas na ako, I immediately hugged my parents and they hugged me in return. "Ano ka ba naman, Ak! You made us worried!" Sabay hampas sa'kin ni Mommy. I chuckled. "Mom, I'm prefectly fin—"
Pinutol ni Mommy ang sasabihin ko, "Fine?! You're calling that fine?" Tinuro ni Mommy yung binti kong kanina pa nagdudugo dahil nabaril nga ako ni Beatrice. "Why didn't you tell us na nabaril ka? God, Ak you could've died out there!"
Mom started panicking which made me sighed, tinignan ko si Daddy para sana humingi ng tulong pero itinuro lang niya si Mommy na hinahatak na ako ngayon papasok sa bahay para gamutin ang sugat na natamo ko. I rolled my eyes, under ang tatay ko.
"God, Aaliyah!" I heaved a sigh.
"Mom, I'm fine okay?! Stop worrying too much, I'm still alive and I'm here in-front of you." Sagot ko.
"Explain." Mom and Dad said. Wow ha, sabay pa talaga sila.
"Can I explain it later? Kapag nandito na sina Dylan, Ali, and Ashley, and my cousins? Para isang explanation lang?" Napaatras ako ng konti nang sinamaan ako ng tingin ng nanay ko.
"Fine. Are you hungry? Your dad's preparing some food. Why don't you take a bath first para pagkatapos mo, kakain ka na after? Tapos naman na akong gamutin ang sugat mo, wag mo lang masyadong igalaw ang mga binti mo, or what if ipapabuhat nalang kita sa dad—" Pinutol ko na ang sasabihin ni Mommy. "Mom, again, I'm fine. Stop worrying about me." Napabuntog hininga nalang siya kaya I smiled at her to assure her that I'm fine tsaka ako umakyat sa kwarto ko para maligo, ghad I stink.
Bumaba na ako dahil naririnig ko na ang kaingayan nina Ali at ng mga pinsan ko, I don't know kung nandun na ba si Dylan. Rinig na rinig ko ang walanghiyang si Ashton, "Wag mo ngang kunin ang pagkain ko, Bruce! Pampam ka din e!"
Nakita ako ni Ali kaya sumigaw siya na naging dahilan para mapatigil ang mga pinsan ko, nanlaki pa ang mga mata nila at si Ashton ang unang nakabawi. "Ohoy! Nandito na pala si wonder woman! Ate, pa fansign nga po! Balita ko pinasabog mo daw ang barn ng nanay at tatay mo!" Sinamaan ko ng tingin ni Ashton kaya tumawa ito ng napakalakas at tinakbo ang distansya namin para yakapin ako, nagsunuran naman ang mga kaibigan at mga pinsan ko kaya naiipit ako.
"Ano ba! Bitaw nga muna!" Kung sino sino na ang kinurot ko para bumitaw pero parang wala lang sakanila yung kurot ko dahil hindi padin sila bumitaw, mas lalo pa nilang hinigpitan ang pagkayakap sa'kin!
I sighed. "MAAAAAMIIIIII, DAAAADIIIIII!!!" Parang natauhan ata sila dahil mabilis nila akong binitawan pagkatapos kong tawagin ang parents ko.
Magsasalita na sana ako pero naunahan nila ako at sabay sabay pa talaga silang nagsalita! Ang gulo!
"Oh my ghad!"
"Bakit ka sumugod dun mag-isa, Ak?!"
"May masakit ba sa'yo?"
"Ano na ang nangyari kay Beatrice?"
"Gangster ka pala?!"
"Pasalubong ko, Ak? Hehe!"Hulaan niyo kung sino ang nanghingi ng pasalubong? Kung ang hinala ninyo ay si Ashton, pwes, hindi kayo nagkamali ng hinala! Sinamaan ko sila ng tingin, "SHUT UP! PAANO KO MASASAGOT ANG MGA TANONG NIYO KUNG SABAY SABAY KAYONG NAGSASALITA?!" Natahimik naman sila pero narinig kong bumulong si Ashton. Ashton will always be Ashton. "Ay, medyo scary ang ate niyo."