Nakikinig lang ako ngayon sa prof namin at hinihintay na magring yung bell. I'm still thinking kung sino yung nagpapadala ng mga threats, he or she is a coward.
Nawindang ako kasi my phone vibrated, nung tinignan ko nag message sa akin yung private investigator ko. "Good day Ms. Aaliyah! I have a lead tungkol kay Damien James, and na tracked ko siya. Nagtatrabaho siya sa Monteverde Mall."
Monteverde mall? Dad's mall? What the hell?
The bell rang kaya dali dali kong niligpit ang mga gamit ko at pupunta ako sa mall ni dad ngayon. Lalabas na sana ako when Ali called me.
"Where are you going, Liyah?" Ali.
"Mall."
Her eyes sparkled. "Shopping? Sama ako!" Ali.
I rolled my eyes. "I have something important to do, Ali."
Ashley butted in. "Like?"
I sighed. "May lead na ako kay Damien James."
"Whaaaaat? And you didn't even bother telling us?!" Ash.
"Look, I'm not that sure okay? Yung P.I. ko lang ang nagsabi kaya hindi ko na sinabi sainyo."
"Kahit na! You should've told us!" Ali.
I glared at them pero tinaasan lang nila ako ng kilay. "Fine, come with me."
I saw them smirked kaya I rolled my eyes. Tsk.
Nasa mall na kami ngayon and ngayon pa lang ako nakabalik dito, last time I've checked, bata pa ako nung last punta ko dito. Maybe you guys are wondering kung bakit pumupunta pa kami sa ibang mall kung may mall naman ang parents ko, ayoko kasing pumunta dito kasi ewan trip ko lang paki mo ba? Kidding. Ayoko kasing pumunta dito kasi baka uminit ulo ko at may maka away ako, baka isumbong ako kay daddy. Daming sipsip nowadays.
"Saan tayo?" Ali.
"Office."
Lahat ng nadadaanan namin ay nag ba-bow. Tsk.
Medyo natagalan pa kami bago pumasok kasi bago pala yung secretary ni daddy.
Papasok na sana kami sa office ni dad pero hinarangan kami ng isang lalaki.
I raised my brows. "Move."
Umiling siya at nag smirked. "Bawal po Miss."
Tinignan ko ang table niya, bagong secretary pala to ni dad. Si mommy ata may pakana neto kasi babae yung dating secretary ni dad lol.
"I'm Aaliyah Kirsten Monteverde. Now move." Diniin ko ang Monteverde.
He smirked. "Sobrang luma na yan Miss, alam mo bang ang dami ng nag try gawin yang ginagawa niyo pero ni isa walang nakapasok sa office ni sir? Kaya please lang, umalis na po kayo." Dad's secretary.
Pinakita ko sakanya yung family picture namin ni dad kaya namutla siya.
"Move or you'll lose your job?"
"I'm s-sorry Miss. Monteverde." He stepped aside kaya inirapan ko siya. Stupid.
Sa table ako ni dad naghanap habang si Ali sa cabinet at si Ashley naman sa isang cabinet. Inopen ko ang mga drawers ni dad sa table pero wala akong nakita, wait, may last drawer pa pala. Kung hindi mo titignan ng maayos, hindi mo talaga 'to makikita kasi tagong tago yung drawer. I pulled the drawer pero it's locked. Hmmm I know how to open this. Kinuha ko ang pin sa buhok ko at sinumulan ko ng buksan yung drawer at hindi naman ako nabigo.
I was shocked kasi may gun pala dito sa daddy at may ibang papers. I started looking about Damien James, per ugh wala akong mahanap! Wait, I saw a key. Key?! Ano namang kwenta ng isang key? Bahala na, kinuha ko ang key at inayos yung nagulo ko at sinarado ko na lahat ng drawers. Paakyat na daw si daddy kaya we need to act normal. Umupo ako sa president's chair while nasa sofa sina Ali and Ashley.
"May nakita ka Liyah?" Ash.
I shook my head kaya we all sighed.
3
2
1
The door opened at iniluwa neto si daddy. Tumayo ako at nag kiss sakanya same goes to Ashley and Ali.
"What a pleasant surprise! What are you three doing here?" Daddy.
"Dad, pwede ko bang tignan yung mga files sa lahat ng nagtatrabaho dito?"
I saw Ali glared at me pero binalewala ko lang siya.
"Para saan?" Daddy. He started opening his drawers and biglang namawis yung mga kamay ko kasi he's about to open the last drawer.
"Where's the key?" Dad murmured.
"What key dad?"
"Vault." Dad.
"Dad, madami kang vaults haha which one?"
"Sa room ko. Nevermind, punta ka lang sa room diyan, the files are there. I'll be leaving kasi may aasikasuhin pa ako sa company at sasamahan ko pa mommy mo for her check-up. I just dropped by to check on the sales. Bye Ak. Bye, Amber and Ashley." He kissed my cheeks pati na din kela Ali and Ashley.
"Bye dad."
"Bye tito." Ali and Ashley.
May room dito si dad kasi baka sakaling gabihin siya ng uwi, dito nalang siya matutulog. Pumasok na kami sa room at nagsimula ng mag hanap.
—————————————————————————
Next update will be on May 25.
Don't forget to vote and comment! 💋
