Chapter 38

1.3K 16 0
                                    




It's been a month since the incident happened and malapit ng mag 1 month si Dylan sa panliligaw niya sa akin and I can say na sobrang effort niya, A+ for the effort na kahit binubully siya ng mga pinsan kong lalaki ay hindi parin siya sumuko. Damn, I think I'm starting to like him. Naging close niya na din sina mommy at daddy tapos si Dria din dahil palagi niyang binibigyan ng foods and stuffs si Dria, walangya ako yung nililigawan pero sa tingin ko, si Dria yung nililigawan niya.



Magkasama kami ni Dylan sa mall dahil nagpapasama siya sa akin bumili ng gift para sa mama niya.



Oh, and by the way, I'm now Aaliyah Kirsten Montemayor. My parents did everything para ma palitan yung apilyedo ko and nailibing na si Albert at Angela.



Pumasok kami sa jewellery store. Dylan and I parted ways para mapabilis yung paghanap ng magandang jewellery for tita Hazel. While scanning some necklaces, something caught my attention, damn, it's one of a kind. I kept on staring at the necklace when Dylan called my attention.



"Hmmm?" Tinignan ko siya at napataas ang kilay ko nang makita ko ang saleslady na kung maka tingin kay Dylan na parang isang uri itong pagkain.



"May nakita na ako, is this okay? Magugustuhan na ba ito ni mom?" Pinakita niya sa akin ang isang necklace na napapalibutan ng maraming diamonds. Nilapitan ko siya at umuo.



Pumunta na si Dylan sa cashier para magbayad kaya ako at ang saleslady nalang ang naiwan dito.



"Ang gwapo ni sir ma'am no?" I raised my brows, konti nalang at bibinggo na to sa'kin.



"Maganda ba ako ngayon ma'am? Siguro naman po wala pang girlfriend si sir no?" That's it.



"You're right, wala siyang girlfriend."



"Papalapit na siya dito ma'am!"



Nakita kong papalapit na si Dylan at agad niyang hinawakan ang bewang ko, I smirked when I saw the girl's face.



"Wala siyang girlfriend kasi asawa lang ang meron siya. Boo!"



I'm still laughing habang naglalakad kami ni Dylan sa isang restaurant upang kumain ng dinner.



"Ano yun?" Dylan.



"Nothing."



He raised his brows at binuksan ang glass door ng restaurant, gentleman.



Nag order na siya ng pagkain habang ako ay natatawa pa din dahil hindi mawala sa aking isipan ang reaction ng babae, it was epic!



"Liyah, I have something for you."



"What is it?"



May kinuha siya sa paperbag at isang box iyon. Ano ba to? Ibinigay niya sa akin kaya I raised my brows.



"Buksan mo nalang." Dylan.



Binuksan ko ito at nanlaki ang mata ko, shit?!

The KontrabidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon