Chapter 3: First Day

50 5 0
                                    

Xyrene's POV

Good morning everyone!

Isang linggo na rin ang nakalipas mula nung nakausap ko si Jana. And ito na ngayon, yung araw na pupunta na ako sa larong iyon. Kaya maaga akong gumising para hindi ako ma-late. Nakakahiya naman.

Pagkabangon ko eh kaagad akong bumaba ng kwarto saka pumunta ng kusina para magluto ng agahan. Nagtimpla muna ako ng kape bago simulan ang pagluluto. Wala nga pala akong kasama dito sa condo unit ko. Nasa probinsiya yung parents ko kasama yung dalawang kapatid ko na parehong nag-aaral sa highschool. Minsan lang akong makauwi doon dahil na rin sa trabaho. By the way isa nga pala akong Executive Assistant sa isang kilalang Real State Company dito sa Pilipinas. Nubayan, napunta na tayo sa talambuhay ko. Back to reality na. So ito na nga, kasalukuyan na akong kumakain. Matapos kumain eh kaagad kong hinugasan ang aking pinagkainan saka umakyat ulit sa taas para maligo at ayusin ang sarili ko.

Habang nag-aayos eh di ko pa rin maiwasang isipin yung laro. Sino kaya yung mga makakasama ko? Manalo kaya kami? Bahala na nga! Sabi ni beshy 'go with the flow' nalang daw ako. Tama! I-enjoy ko na nga lang 'to para kahit papano eh mawala yung stress ko nang dahil sa trabaho. Kahit ang totoo wala akong kaide-ideya kung ano itong napasukan ko.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko eh inayos ko na rin yung mga dadalhin ko. Ang totoo, kagabi pa ko nag-empake para hindi ako maghabol ng oras ngayon. Kinuha ko na yung isang malaking maleta at isang bag at lumabas na ng condo unit ko. Habang nasa elevator eh di ko maiwasang malungkot. Mamimiss ko tong condo unit ko, dalawang taon na rin akong naninirahan rito matapos kong mag-graduate ng college.

Hayyyy. Isang taon rin akong mawawala.


Ano ba yan? Puro drama. Baka mamaya mapuno ang elevator na to ng kadramahan ko sa buhay tapos ibagsak ako. Ano ba 'tong pinag-iiisip ko. Nahahawa na rin ata ako sa kabaliwan ng bestfriend ko. Buti na lamang at bumukas na ang elevator bago pa ako mabaliw sa loob. Oo na ako na OA. Epekto to nung laro eh.


Sumakay na ko ng taxi pagkalabas ko ng condo.

"Manong, sa Squad Village po." Sabi ko agad kay manong pagkasakay ko. Pagkatapos ko namang sabihin yun eh pinaandar na ni manong ang sasakyan.


Huh? Di nya ba muna itatanong kung saan yun? Oh di kaya, di ba sya magtataka? Sabagay, di ko rin naman alam isasagot ko hihihi. Teka nga, bakit parang ako lang yata ang di nakakaalam sa lugar na yun? Yaan na nga.

Halos isang oras rin kaming nagbyahe. Di ko alam na malayo pala yun.


At sa wakas nakarating rin kami sa village na tinutukoy nila. Pano ko nalaman? Nakasulat sa gate eh. Nakasarado yung gate. May lumapit saming guard. At kinatok ang salamin, binuksan ko naman ito.

"Ma'am name po?" Tanong ni manong guard, may dala-dala siyang parang logbook.

"Ah, Xyrene. Xyrene Guevarra." Pagkasabi ko nun eh tiningnan nya yung dala-dala nyang logbook. Tapos lumapit sya kay manong driver.


"Number 002 ho." Sabi niya kay manong driver.


"Ahh sige salamat." At umandar na ulit yung sasakyan, binuksan na rin yung gate eh.

Halos limang minuto lang bago narating namin ang pagkalaki-laking bahay. Ang ganda niya. Ganito yung mga pangarap kong bahay eh.


"Ahh ma'am nandito na po tayo." Hala si manong nasa labas na! Nakakahiya naman oh. Nag-imagine pa kasi ako hehe.


"Ayy sorry manong hehe." At lumabas na ko ng taxi. Si manong naman eh ayun kinuha na yung maleta kong dala.



"Ah salamat po. Eto po yung bayad." Abot ko sa kanya ng bayad. Ay wait! May naalala ako. "Ay manong!" Tawag ko sa kanya nung akmang tatalikod na siya. "Pano nyo po nalaman yung lugar na to?" Nakakapagtaka kasi na alam to ni manong eh parang wala naman akong naririnig na ganito, ngayon lang.



Squad In The HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon