Xyrene's POV
"Good morning everyone!" Masayang bati ko pagkarating ko ng kusina.
"Uy! Good morning!" Bati pabalik sakin ni Alyssa.
"Ay! Wala pa pala sila?" Si Alyssa lang kasi ang naabutan ko, nagtitimpla siya ng kape.
"Pababa na yun si Stephen. Timpla ka na." Lumapit naman ako at nagsimula nang magtimpla. Ipagtitimpla ko na rin si Dwayne, pababa na rin yun eh.
"Si Lex rin pababa na yun." Nilingon ko si Margaux na kalalabas lang ng CR. Nandito na rin pala siya.
"Napuyat ata mga tao ngayon." Madalas naman kasi maaga silang nagigising.
Isa-isa na silang nagsidatingan at kanya-kanya timpla ng kanilang maiinom. Nakasanayan na kasi ng bawat isa.
"Sige maupo na kayo at nang makakain na tayo," ani Alyssa. Sinunod naman namin siya at dumating na rin si Dwayne.
At dahil sa tabi ko nalang ang bakante, walang choice si Dwayne kundi sa tabi ko umupo. Ewan ko ba naman kasi kay Stephen walang permanenteng upuan. Tsaka himala ata, sasabay siya samin ngayon sa pagkain.
Nilingon ko si Dwayne, ang talim ng tingin niya kay Stephen. Samantalang nag-iwas tingin lang naman si Stephen. Mukhang hindi siya natakot. "Sige guys pray na tayo." Bagkus ay sabi niya.
At nanalangin na nga kami. Pagkatapos eh kanya-kanya na ng kuha ng makakain ang bawat isa samin.
Ako naman nilingon si Dwayne na kasalukuyang kumukuha ng fried rice. "Good morning Dwayne!" Bati ko sa kanya. "Eto oh ipinagtimpla na kita," sabay lapit ko sa kanya ng kape niya. Tiningnan niya lang ito.
"Sanaol ipinagtitimpla," tukso naman ni Stephen. Siniko naman kaagad siya ni Alyssa.
"Thanks, but no thanks."
"Hay naku Dwayne, alam kong mahilig kang magkape. Kaya sige na tanggapin mo yan dahil meron na ang lahat. Tsaka sayang kaya." Pangungumbinsi ko.
Tiningnan niya ulit ang kape at di nagsalita.
"Any plans for today?" Pagtatanong ni Alyssa. Alam kong iniiba niya ang topic dahil nasa amin ang atensyon ng lahat kanina at medyo awkward na.
"Hmm wala kaming date ngayon ni Margaux, so free kami," ani Xylex.
"Hoy! Anong date sinasabi mo dyan?! Kelan tayo nag-date?! Ha?!" Napangisi nalang si Xylex.
"Edi mabuti. Ano kasi guys, naisip ko na bakit hindi tayo magparty ngayon? First month natin kahapon mula nung pumasok tayo sa bahay na 'to diba?" Napaisip naman ako sa sinabi ni Alyssa.
"Oo nga. Dahil sa bad news nakalimutan nating mag-celebrate." Ang kaninang tahimik na kumakain na si Kyline ay napaisip na rin.
"So anong plano?"
"Mag-party tayo!" Masayang sambit ni Alyssa. Nagkatinginan naman kaming lahat at tila lahat ay nagustuhan ang plano ni Aly. "I-enjoy na natin to guys! Walwal na this!" Dugtong niya pa. Napangiti kaming lahat at bakas ang excitement sa bawat isa samin.
"What time tayo magsisimula?" Tanong naman ni Margaux.
"After ng morning routine natin, magsisimula na tayong magluto at mag-set up ng venue." Mukhang pinagplanuhan na ni Aly ah.
"Teka, saan naman yung venue natin?" Si Stephen na ang nagtanong.
"San niyo gusto?" Isa-isa niya kaming tiningnan.
"Pano kung sa backyard nalang, malapit sa may pool," suhestyon naman ni Lex.
"Ay tama! Doon nalang tutal maluwag naman dun eh."
BINABASA MO ANG
Squad In The House
General FictionPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...