Xyrene's POVNapabangon ako dahil sa sakit ng ulo ko. Dami ko nga palang nainom kanina. Ano ba kasing pumasok sa kukote ko at napainom ako nang ganun?
Gabi na pala. Makababa na nga at nagugutom na ko. Di nga rin pala ako nakakain kanina ng lunch. At yun nga, lumabas na ako ng kwarto saka bumaba. Naabutan ko sila Stephen na nanonood ng TV sa sala. Napansin ata nila ang pagbaba ko kaya napalingon sila sakin.
"Oh Xyrene, buti gising ka na. Musta pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Stephen.
"Okay naman na ako. Wag kayong mag-alala." Saka ko sila nginitian ng tipid.
"Kumain ka na Xyrene." Wika naman ni Margaux.
Tumango lang ako saka nagdiretso sa kusina. Naabutan ko naman doon si Alyssa.
"Aly, anong ginagawa mo?" Napalingon naman siya sakin.
"Ay mabuti gising ka na Xy, heto't inaayos ko ang kakainin mo. Gigisingin sana kita pagkatapos ko dito pero mabuti at gising ka na. Halika maupo ka at ipaghahain kita." Tugon niya habang nakangiti sakin ng pagkatamis-tamis.
Lumapit naman ako sa kanya, "Aly ako na. Kaya ko naman sarili ko eh. Sige na magpahinga ka na. At wag nang makulit." Sabi ko naman sa kanya.
"Sigurado ka?" Tinanguan ko lang siya sabay ngiti. "Oh siya sige, maiwan na muna kita ah? Punta lang akong sala." Paalam niya sakin.
Bago pa man siya tuluyang makaalis ay tinawag ko ulit siya.
"Aly!" Nilingon naman niya ako kaagad. "Nasan si Dwayne?" Tanong ko.
"Nandun ata sa may pool. Magpahangin lang daw siya." Sagot naman niya.
"Ah sige salamat." Umalis na rin siya at ako naman ay sinimulan nang kumain.
Pakatapos ko eh kagad kong hinugasan ang aking pinagkainan at nilinis ang kusina. Saka lumabas patungong backyard at diretso na sa pool sa gilid ng bahay. Dun ko nga naabutan si Dwayne, nakaupo sa gilid ng pool nang nakababad ang mga paa at habang nakatingala sa langit. Nilapitan ko siya.
"Ganda ng mga bituin noh?" Sabi ko sabay upo at ginaya ang ginagawa niya. Pero may pagitan samin na sapat na upang di siya magalit.
"Kanina oo, pero magmula nang dumating ka tila nawalan sila ng kinang." Masungit naman niyang sagot.
"Di ka ba nangangalay sa ginagawa mo?" Tanong ko, pang-iignora sa kaninang sagot niya.
Pero di siya sumagot, bagkus ay humiga siya habang nakababad pa rin ang mga paa sa tubig.
"Hoy! Ano ka ba?! Marumi diyan tsaka malamig! Umupo ka nga! Para kang timang!" Panenermon ko sa kanya, di ba naman nag-iisip.
"Mananahimik ka o mananahimik ka?" Biglang sabi niya nang di man lang ako binabalingan ng tingin.
Nasan ang pagpipilian dun? Eh mukhang wala akong choice. Yaan na nga, mukhang galit na eh.
Hinayaan ko nalang siya. Mas mabuti nang ganto, tahimik kami kesa naman pagalitan niya ulit ako at mag-walk out uli. Tumingala na lang rin ako saka pinagmasdan ang kalangitan. Napakaganda talaga. Isa ito sa mga pinakapaborito kong tanawin na gusto ko laging tignan. Nang mangalay ang leeg ko eh nilingon ko si Dwayne, dahil sa pagtatakang ang tahimik ata niya.
Nakita ko siyang nakapikit ang mga mata habang nakapatong ang ulo niya sa kanyang mga braso. Napaka kalmado niyang tignan. Pero sa tuwing nakikita niya ako biglang nagbabago ang aura niya.
Bakit ako nandito?
Simple lang, para mapalapit sa kanya. Di pa rin ako sumusuko sa pakikipagkaibigan sa kanya. Ganito akong tao eh, makulit.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
Fiction généralePano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...