Chapter 9: Sorry

38 2 0
                                    

Dwayne's POV

Sarap namang yakapin nitong katabi ko.

KATABI???!!!

Dali-dali kong iminulat ang aking mga mata.

BAKIT NAKAYAKAP AKO KAY XYRENE?!


Nakasandal siya sa headboard at nakayakap naman ako sa bewang niya.


Dahil sa gulat, naitulak ko siya. Ending? Ayun! Lagapak siya sa sahig. Napaupo naman ako sa kama.


"Ouch!" Rinig kong daing niya.


Ba't ba kasi nakayakap ako sa babaeng yan?! Siguro plinano niya to eh. Sinet-up niya to!


Tumayo siya nang nakahawak sa balakang niya. Halatang nasaktan siya sa pagkakahulog niya. Tsk! As if I care!



Nilingon niya ako at bigla siyang nagulat. Pano tiningnan ko siya ng sobrang sama.


Pero nagbago kagad ang kaniyang ekspresyon.


"Hinulog mo ko?!" Sigaw niya sakin.


"Bakit ano bang inaasahan mong maging reaksiyon ko?" Tila naguluhan siya sa tanong ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Kahit kelan ang stupid nito.


"Nakita ko lang naman ang sarili ko na nakayakap sayo! So anong inaasahan mong gawin ko?! Hayaan lang?!" Matapos kong sabihin yun, yumuko ako at kinapa ko ang aking noo. Yes! Wala na kong sakit.


"Pero di mo naman kelangang manulak eh!" Binalik ko ang tingin ko sa kanya.

"Eh sa hindi ko gusto yung sitwasyon eh! Nagulat rin ako!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Eh bakit galit na galit ka?!" Hindi lang pala siya stupid, bingi pa.


"Hindi ko nga nagustuhan yung sitwasyon!" Nakakainis bw*sit!


"What I mean, bakit galit na galit ka kung di naman pala ako tong nakayakap sayo?! Ikaw tong nakayakap sakin pero ikaw tong galit." Natigilan ako sa sinabi niya. Pero kaagad rin naman akong nakabawi.


"Ha! Alam naman nating dalawa dito na plinano mo to! Na sinet-up mo to! Na ikaw tong gumawa ng paraan para yakapin kita! Sabi na nga ba eh, may pagnanasa ka sakin." Kumunot ang noo niya.


"Hindi totoo yan! Ikaw tong kusang yumakap sakin." Sabay turo niya pa sakin.


"Pinabayaan mo naman? Pano gusto mo rin eh!" Kapal ng babaeng 'to.


"Hindi ko yun ginusto! Ginawa ko ang lahat para makawala pero ikaw tong ang higpit yumakap! Di mo ba naaalala? Ayaw mo pa ngang iwan kita eh." What?! Anong kwento 'to?!


"Liar! Gumagawa ka pa talaga ng kwento. Galing mo rin noh? Alam mo, nakakahiya ka!" Galit kong sigaw.


"Sumusobra ka na." Mahina ngunit may diin niyang sabi.


"Ano Xyrene? Lumabas rin ang tunay mong kulay." Nginitian ko siya ng nakakaloko. Siya naman eh kumunot ang noo. "Di mo na ba kayang magbait-baitan? Yan ka naman talaga diba? Nagpanggap ka lang naman dito na akala mong sinong maamong pusa. Na akala mo friendly. Na akala mo di makabasag pinggan. Na akala mo sobrang hinhin! Pero ang totoo, isa kang wild bitch! Yan ka Xyrene! Lahat ng sinabi ko kabaliktaran ng tunay na ikaw!" Naluluha na siya. Wala akong paki. At bago pa man yun tumulo tinalikuran niya na ko. Pero di pa siya nakakahakbang nang...

Squad In The HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon