Xyrene's POV
Isang buwan na ang lumipas mula nung pumasok kami sa bahay na ito. Ok naman na ang samahan namin dito. Close na namin ang isa't-isa, liban nga lang kay Dwayne. Ang totoo, sakin lang siya ganun. Kung dati masungit talaga siya sakin, ngayon di na talaga niya ako pinapansin mula nung nahilo ako at sinabi niyang napilitan lang siyang mag-sorry. Pagkatapos kasi nung huli naming pag-uusap, di siya natulog sa kwarto. Tapos sa mga sumunod na araw, tila iniiwasan niya ako. Kapag sasali ako sa kulitan o usapan ng grupo, magbabago ang mood niya saka aalis siya at sasabihing may pupuntahan. Di rin siya samin sumasabay sa pagkain. Halos hindi na talaga kami nagkakatagpo dito sa bahay. Nakakahalata na rin ang buong grupo. Pero di sila nangingialam. Siguro hinahayaan nilang ako na ang gumawa ng paraan.
At ngayon nga, heto ako bumangon sa kama at di alam kung nasaan si Dwayne at kung saan siya natulog. Nag-ayos nalang ako saka bumaba. Kami kasi dapat ni Dwayne ang magluluto ngayon ng breaksfast. And sad to say di ko alam kung nasaan siya. Kaya solo ako ngayon.
Pero nagulat ako nung pagkarating ko sa kusina eh nandun si Dwayne, nagluluto. Di niya namalayan ang pagdating ko. Kaya lumapit na ako sa kanya.
"Eherm!" Tikhim ko. Napalingon naman siya sakin. Saka dali-daling tinapos yung ginagawa niya.
"Tulungan na kita!" Pag-aalok ko. Pero iniiwas niya lang sakin yung niluto niya. "Dwayne, magpartner pa rin tayo-"
"Kung tutulong ka, gawin mo. Hindi yung puro ka daldal. Sabagay ano pa nga bang maitutulong mo?" Sabi niya saka umalis.
Napatahimik ako.
At dun ko lang napansin na, nakaayos na pala ang lahat. Luto na at nakahain na pala ang pagkain. Ba't di ko to kanina napansin? Si Dwayne ba naman kasi ang datnan ko, yun tuloy di ko na napansin. Napahiya pa tuloy ako.
Hayyy... napayuko ako dahil sa kahihiyan kahit wala namang nakatingin sakin.
"Oh Dwayne! Good morning!" Napaangat ako ng ulo. Nakita kong nagkasalubong sa pintuan si Dwayne tsaka Alyssa. Saka napadako ang tingin sakin ni Alyssa.
"Xyrene! Nandito ka na rin pala." Napangiti na lang ako.
"Kayo ba ang nagluto ni Dwayne? Ok na ba kayo?" Excited niya pang tanong habang papalapit sakin.
Napabuntong-hininga naman ako.
"Oh? Hindi pa rin ba?" Nag-aala niyang tanong. Kung ok ba naman kasi kami ni Dwayne edi sana hindi siya nagwalk-out. Edi sana nandito pa siya. Minsan talaga eto si Aly di nag-iisip.
"Siya lang ang nagluto ng lahat. Kakarating ko lang din. At yun nga, pagdating ko tapos na siya. Wala na akong naitulong." Malungkot kong sabi.
"Naku ok lang yan Xyrene! Bawi nalang next time! Magkakaayos rin kayo tiwala lang!"
"Sana nga."
"Ano ka ba! Think positive. Sige na ngumiti ka na. Sige ka lalo kayong di magkakaayos kung gaganyan-ganyan ka." Napangiti nalang ako. Kahit papano nagpapasalamat naman ako na napunta ako sa bahay na to. Kasi nakikilala ko 'tong mga 'to.
"Ganyan nga! Sa ganda mong yan sisimangot ka lang."
"Baliw!"
"Hahahahahaha!" At nagsimula na siyang maglakad papunta sa dining table. "Guyyyysssss!!!! Tara na't kakain naaa!!!!" Hala grabe talaga ang boses ng babaeng 'to. Ang lakas! Nakakarindi hahaha.
Nagsidatingan naman ang iba. At pumwesto na rin kami sa kanya-kanya naming upuan. Nakapwesto na ang lahat pero wala pa din si Dwayne. Di na naman siguro siya sasabay samin.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
Fiksi UmumPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...