Xyrene's POV"Anong klaseng laro to?! Weird." Sabi ko matapos mabasa yung slip na binigay sakin ng bestfriend kong si Jana. Nandito siya ngayon sa condo ko para lang bulabugin ang nanahimik kong pamamahay. Tss.
"Anong weird? Alam mo beshy usap-usapan yan ngayon sa social media simula pa nung last week. At ang daming gustong sumali." Excited pa nyang sabi.
"Di pa rin ako interesado. Ang weird kaya, puro sila kalokohan. Kaya kung ako sayo mag-focus ka nalang sa business niyo." Walang gana kong sagot sabay balik sa kanya nung slip. Iniwan ko siya sa sala at pumuntang kusina para kumuha ng makakain. Ikakain ko nalang 'to.
"Hoy beshy ang ganda kaya ng mga premyo!" Aba't sumunod pala ang babaeng 'to.
"Oo nga, wala naman akong sinabing pangit." Sabi ko sabay upo sa dining table bitbit ang ice cream na kinuha ko sa ref.
"Tsaka alam mo, sa dinami-dami namin don isa ako sa nakasali." Masaya niyang sabi. Kumuha rin siya ng ice cream.
"Eh pano ka ba naman di makakasali eh ang aga-aga mong pumunta dun. Kaya naman pala ang busy mo nung nakaraan." Sabi ko habang busy pa rin sa pagkain.
"Hihihi kaya nga eh. Pero... " Bigla namang lumungkot ang boses niya. Kaya napatingin na ko sa kanya.
"O eh bakit malungkot ka pa rin?" Kita mo talaga sa mga mata niya ang lungkot. Ano naman kayang problema nito?
"Beshy... ano kasi eh..." Pabitin nya pang sabi.
"Ano?" Iritado kong tanong.
"Beshy, nung nakapila na kasi ako nung registration day eh biglang tumawag sila mommy." Di na siya makatingin sakin. Patuloy lang siya sa pagkain.
"Oh tapos?" Pabitin din tong bestfriend ko eh.
"Sabi nila kelangan ko daw umuwi ng Cebu kasi nagkaproblema yung business namin doon. Eh di naman sila pwede kasi pupunta rin silang US para sa isang branch namin dun." Ahh gets. Ayaw niyang umuwi ng Cebu.
"Oh tama naman parents mo, ikaw talaga yung kelangan dun. Teka, wag mong sasabihin na di mo sila susundin?!" Baliw din tong bestfriend ko eh.
"Hindi no!" Protesta naman agad nya.
"Eh anong problema?" Di ko siya magets. Sorry mahina talaga utak ko eh haha.
"Beshy may utak kaba?"
Aba nilait pa talaga ako ng gagang to.
"Aray naman!" Sigaw niya. Pano ba naman binatukan ko. Kainis eh.
"Lumayas ka nga dito!" Sabay turo ko sa pintuan .
"Beshy naman, nagbibiro lang eh." Nag-peace sign pa siya. Baliw nga talaga.
"Ewan ko sayo." Ibinalik ko nalang ang pansin ko sa pagkain.
"Beshy naman kasi, di ba nga next week na yung laro tapos one year pa yun. Kaya syempre pinili ko yung business, ayoko pang itakwil no hahaha." Nag-iisip rin pala 'tong bestfriend ko.
"Buti naman kung ganun." Gumaan kahit papano ang loob ko. "Eh beshy yung slot? Ipamigay mo nalang kaya dun sa mga interesado para naman di masayang." Dugtong ko pa.
"Yun na nga beshy eh, nung pagkatapos naming mag-usap nina mommy eh nag-isip ako kagad. Ayoko umalis dun kasi syempre ang lapit ko na sayang naman tapos ang rami pang premyo nakakaengganyo, kaya tumuloy pa rin ako. At yung isinulat ko eh...." Tiningnan niya ko gamit ang beshy-sorry look.
Wait.
Ba't parang kinakabahan ata ako?
*tugdug*
*tugdug*
*tugdug*
*tugdug*
Suspense pa kasi..
..
..
..
"IKAW." Sabi niya.
Teka sino daw?
IKAW..
Ako lang naman kausap niya dba??
LOADING..
LOADING..
LOADING..
LOADING..
LOADING..
..
"AKO!!!!!!????"
***
AUTHOR'S NOTE:Sorry po ulit sa mga wrong grammars,errors, and typos. Pero sana po nagustuhan nyo. Enjoy. Lovelots.
Guys vote naman po dyan hihihi
Comment na rin po para naman po ma-inspire ako na mag update.

BINABASA MO ANG
Squad In The House
Ficción GeneralPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...