Xyrene's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto namin nakahiga sa kama. Patuloy ko pa ring iniisip yung mga nangyari kanina. Di ko napigilan yung sarili ko. Napa-burst out na rin ako. Pero sa tingin ko naman eh tama lang yung mga sinabi ko kanina. At sa inis naman ni Dwayne eh napa-walk out siya. Ngayon di ko na naman alam kung nasaan siya. Lagi naman yung nawawala.
*kringggg kringggg*
Sino naman kaya 'to?
Kinuha ko ang aking cellphone sa side table tsaka tiningnan kung sino ang tumawag.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang tumatawag. Si Jana?! G*ga tong babaeng ito! Matapos ang isang buwan ngayon lang ulit tumawag. Lagot ka sakin!
"Hoy babae! Ba't ngayon ka lang tumawag ulit?! Ha?! Matapos nung biglaan mong pag-alis at pagpapahamak sakin eh yan pa ang gagawin mo? Yung hindi ka nagparamdam ng isang buwan! Di mo ba alam-"
[Beshy kalma!] Napatigil naman ako sa pagbubunganga ko dahil sa sigaw niya.
"Ikaw naman kasi. Ba't ngayon ka lang napatawag?" Tanong ko. Kahit papano eh huminahon na ako. Pero di pa rin nakawala sa boses ko ang tono ng pagtatampo. Oo nagtatampo ako sa kanya. Ikaw ba naman iwan sa ere. Buysit na babaeng 'to.
[Sorry na beshy hehe. Di naman halatang na-miss mo ko hahahaha.] At aba! Nang-asar pa talaga ang gaga. Pero oo na-miss ko siya pero never kong aaminin sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.
"Tss. Asa ka naman!" Nagtatampo pa rin kasi ako sa kanya.
[Sussss ang beshy ko paduda pa hahahaha. De totoo, sorry na besh. Na-busy lang talaga ako sa work. Alam mo naman ang dahilan diba ng biglaan kong pag-alis. Sina mommy naman kasi iniwan sakin lahat ayun tuloy na-busy ng sobra-sobra. Di naman kita nakalimutan yun lang talaga na walang time.] Pinutol ko yung sasabihin pa niya.
"Ahh ganun? Wala ka nang time sakin?" Tumawa naman ng pagkalakas-lakas tong kausap ko.
[Beshy kung magtampo ka akala mo jowa kita hahahaha. De seryoso, sorry talaga. Hindi naman sa walang time sayo, pagod lang talaga. Sorry na beshy. Pleeeeaaaaseeeeee.] Bakas ang pagpapa-baby niya sa boses niya. Tsss nilalambing na naman ako.
"Ewan ko sayo." Naku buti walang tao dito, nakakapag-inarte ako.
[Okay sige. Pagbalik ko dyan babawi ako. Lalabas tayo at libre ko. LAHAT.] Nanlaki ang mata ko sa narinig.
"Yiiiiieeeeeeeehhhhhhh talaga?! Totoo yan ha?" Nagpagulong-gulong ako dito sa kama dahil sa tuwa.
[Totoo promise. Mawala lang yang tampo mo sakin. Tsaka nga pala may pasalubong ako sayo.] Siya naman tong nag-iba ang timpla ng mood. Hahahaha.
"Yeheeyyyyyy hahahahaha. Dali balik ka na." Ang saya ko hahahaha. Iba talaga ang saya na dulot ng libre hahaha plus may pasalubong pa. Bait talaga ng bestfriend ko.
[Hays ewan ko sayo. By the way, musta dyan? Musta laro?] Pag-iiba niya ng topic. Natigilan ako. Nawala yung kanina lang na saya ko. Napalitan ito ng lungkot. Lungkot dahil sa nangyari kanina samin ni Dwayne.
"Eto ok naman. Masaya. May mga nakilala akong bagong kaibigan or should I say bagong group of friends." Pilit kong pinasaya ang boses ko.
[So ano, papalitan mo na ako?] Pagtataray ng bestfriend ko. Hahahaha takot rin tong mawala ako eh.
"Hindi no! Gaga." Natawa nalang ako.
[So ano na nga? Musta?] May gusto tong alamin eh.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
General FictionPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...