Chapter 2: Ako?!

68 4 0
                                    


Xyrene's POV

"AKO??!!!" Sigaw ko sabay tayo habang nakaturo sa sarili ko nung narealize ko na kung sino ang tinutukoy niya.




At dahan-dahan siyang tumango.





Baliw nga talaga tong bestfriend ko.


"Bakit ako?! Beshy nahihibang ka na ba? Bakit di ka muna sakin nagpaalam?! Tapos di mo pa sakin kaagad sinabi para sana nasolusyunan ko ng maaga!" Galit kong sabi. Pano ba naman nakakainis tong si Jana.

"Beshy, sorry naman oh." Tumayo na rin siya at hinawakan ang kamay ko.

Pero di makapaniwalang tiningnan ko lang siya.

"Pagkatapos ko kasing makausap sina mommy eh ako na yung sunod na magpapalista. Kaya no choice na ko kundi ikaw nalang ang isulat ko kasi nga sayang dba?" Napaupo ako sa sinabi niya. Tila nanghina at wala akong masabi. Kaya't nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita.

"Sorry na talaga beshy, alam mo naman kasing ikaw lang ang kaibigan ko. Tapos bestfriend pa. Eh wala rin akong kapatid. Alangan namang sila mommy isulat ko. Syempre ikaw unang pumasok sa utak ko. Sorry na talaga beshy. Lagi lang talaga kitang iniisip kaya sorry na, alam mo namang mahal na mahal kita eh. Kaya sorry na talaga kung di na ko nakapagpaalam. Sorry beshy love you." Maluha luhang sabi nya habang niyayakap ako sabay halik pa sa pisngi ko. Sweet nya no? Well, ganyan talaga kami eh. So ano, matitiis ko ba naman tong kaibigan ko?


"Hayyy. Bitawan mo nga muna ako." Bumitaw naman siya sa pagkakayakap sakin at tiningnan ako ng sorry-na-besh look. At inintay niya naman ang susunod kong sasabihin.

"Ok sige, apology accepted. Haba ng sina-"

"Waaaahhhhh!!!! Thank you beshy!!!!! Mwah mwah mwah! Sabi na nga ba di mo ko matitiis eh." Masaya niyang sabi habang yakap-yakap ulit ako.


"Ano ba beshy di na ko makahinga!" Sabay tulak ko sa kanya.

"Masaya lang ako beshy." Halata naman sa mukha niya.


"Pinatawad lang kita sa di mo pagpaalam sakin, di ibig sabihin nun na sasali na ko. Ayoko pa ring sumali." Mataray kong sagot.

"What?!" Tila nagugulahan niyang sabi.


"Ngayon gagawa tayo ng paraan para di ako makasali sa larong yan." Nag-isip ako saglit. "Ah alam ko na! Ibigay mo nalang yang slot sa may gusto hihihi." Talino ko talaga. Easy hahaha.

"Ha? Eh, beshy... ano kasi eh..." Di mapakaling sabi ni bes. Problema neto?

"Ano na naman?" Iritadong sagot ko.


"Beshy, pagkatapos kasi naming mag-register tinawagan nila yung mga kompanyang pinagtatrabahuan ng mga nagpalista. At sinabing di daw muna kami papapasukin. At di rin kami tatanggapin saan man kaming lugar magtrabaho hangga't di natatapos ang isang taon. Para wala na daw talaga kaming takas sa larong ito kundi ang maglaro nalang talaga. At sa kasamaang palad hindi ako yun, ikaw."

Ano??!!!

"Ha?! Eh di parang naka-ban na ko nun?!" Hysterical kong sagot.

"Parang ganun na nga." Napayuko nalang siya.

"Ang talino nila ha! Pero saglit, bakit di man lang nila napansin na hindi mo pangalan ang isinulat mo? Hindi ba sila mahigpit?" Nagtataka kong tanong.

"Aba malay ko sa kanila. Di nga rin sila humingi ng ID o kung anumang makakapagpatunay na pangalan namin ang isinulat namin." Bumalik ulit siya sa pagkain ng ice cream.

"Sabi na nga ba eh kakaiba tong larong to. Parang masama ang kutob ko dito." Mukhang may binabalak silang di maganda! Paranoid lang siguro ako.

"Basta beshy just go with the flow ka nalang. Mag-enjoy ka! Para naman matanggal stress mo dahil sa trabaho. Tsaka para makalimutan mo na rin yung long time crush mo!" Nakangiti niyang sabi.



"Baliw!" Binatukan ko nga. Kainis eh!


"Aray!" Hawak niya sa batok niya.

Ni hindi ko nga maalala na may crush ako. Ewan ko ba diyan sa bestfriend ko at in-open niya ulit yang topic na yan. Ilang beses na kaming nagbangayan tungkol diyan sa may crush daw ako. Sabi ko naman wala, ay ewan ko sa kanya.

Maya-maya napatingin siya sa relo niya.

"Naku beshy! Kelangan ko nang umalis. Mamaya na pala ang flight ko papuntang Cebu." Sabi niya sabay tayo at inayos ang pinagkainan niya.

"Ano?! Mamaya na alis mo?! Ba't di mo sinabi?!" Tingnan mo tong babaeng to, pati pag-alis niya papuntang Cebu ngayon lang sinabi. Naku magtatampo na talaga ako sa kanya.

"Masyado kasi akong naging busy kaya nakaligtaan ko nang sabihin sayo. Tsaka isa rin yun sa rason kaya ako nandito." Pumunta siyang sala para kunin ang pouch niya. Sinundan ko naman siya.

"Sige alis na ko ha, magprepare pa kasi ako eh. Bye beshy. Love you. Lagi kang mag-iingat." Paalam nya sakin. Habang sinusuot yung jacket niya.

"Eh pano yan di na kita maihahatid?" Biglaan ba naman. Eh may gagawin pa ko mamaya.

"Ok lang beshy. Sige nagmamadali na kasi talaga ako eh." Pagkatapos humalik sya sa pisngi ko.

"Sige ingat ka dun beshy ha? Tawagan mo nalang ako." Sabi ko rin habang nagbebeso kami.

"Geh bye." Tapos lumabas na sya ng condo ko.

Hayyyy... humiga nalang ako sa sofa kasi feeling ko napagod ako kakasigaw at pakikipagbangayan sa kaibigan ko.

Zzzzzzzzzzzzzzzzz...


*kringgggg kringggg*


Nagising ako sa ingay na yun.
Ano ba yun?


*kringgg kringggg*


Hala! May tumatawag! Nasan na ba cellphone ko?! Kinapa ko ito sa center table at nakuha ko naman.

"Oh hello!" Sinagot ko to ng di man lang tiningnan kung sino ang tumawag.

[Ay galit.] Si Jana lang pala.

"Beshy?! Napatawag ka? Di ka pa ba nakuntento kanina sa pang-istorbo mo sakin at pati ang tulog ko ngayon eh binulabog mo?" Sorry ha naiinis lang kasi ako. Ganda ng tulog ko tapos biglang may sisira! Kainis!

[Sorry beshy hehe. Kalma ka lang hihihi. Ano kasi eh nakalimutan kong sabihin sayo yung tungkol sa orientation. Next week na yun, May 21. Pagpunta mo dun di kana makakabalik hahaha biro lang. Ano, yun na talaga yung start nung game. So dapat dala mo na lahat ng damit mo hahaha tsaka personal things syempre hahaha at bahala ka na sa iba hahaha pero pagkakaalam ko eh kompleto na gamit dun.] Ano ba yan puro tawa.

"Ok." Walang gana kong sagot.

[Tsaka yung location nga pala sa ano Squad Village. Punta ka nalang dun ha? 7am sige bye.]

*Toot toot toot*

Ay pinatay. May pagkabastos din yun eh.


Teka, may ganung lugar ba? Tsss weird.



Squad In The HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon