Margaux's POV
ONE WEEK LATER...
Nandito ako ngayon sa mall. Kung bakit? Wala, trip ko lang gumala ngayon. Tutal, wala naman kaming ginagawa sa bahay.
Isang linggo na rin kami sa bahay na yun. Masaya naman, lalo na kung andyan yung dalawa, si Alyssa at Stephen. Ang kulit nilang dalawa, madalas pang mag-asaran. Ewan ko ba sa kanila at trip nilang asarin ang isa't-isa. Pero di naman sila umaabot sa puntong nagkakagalit at nagkakasakitan ng sobra. Yun bang hanggang batok at hampas lang sila. Di na ko magugulat kung isang araw sabihin nila na sila na. Posible kasi silang mainlove sa isa't-isa.
Speaking of love, meron rin akong karelasyon. Siya si Josh, 3 years na kami. Simula pa nung 4th year college kami.
Pero simula nung mapasok ako sa bahay na iyon, nawalan na kami ng communication. Di niya na ako tinatawagan, di na rin siya nagtetext. Ano kayang problema nun? Wala naman kaming naging problema bago ako sumali sa larong ito. Matawagan nga.
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag saka siya tinawagan.
Calling..
Calling..
Calling..
Toot toot toot
Bakit pinapatay niya?
Siguro busy siya sa work niya.
Kakain na muna ako. Mamaya ko nalang siya ulit tawagan. Pumunta ako sa malapit na fast food chain.
Teka!
Si Josh yun ah, papasok siya sa pupuntahan kong fast food chain. Ba't may kasama siya babae? Sino yun? Di naman pwede mommy niya yun kasi ang bata. Tsaka wala siyang kapatid na babae. Baka naman pinsan. Sinundan ko sila. At bago pa sila makapasok tinawag ko na siya.
"Josh?" Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako pati na rin nung babae. Di ko talaga kilala yung babae ngunit masasabi kong maganda siya. Eto namang si Josh, gulat na gulat. Samantala yung girl eh parang nagtataka pa. Parang kinukutuban ata ako. Pero baka mali tong iniisip ko.
"Margaux? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin. Halatang di siya mapakali.
"Hon, kilala mo ba siya?" Tanong nung babae kay Josh.
HON?! AS IN HONEY?!
Ito ba ang dahilan kaya hindi niya sinasagot ang tawag ko?!
At aba! Ngayon ko lang rin napansin, holding hands pa talaga sila. Mukhang tama nga ang kutob ko. Unti-unti nang sumisikip ang dibdib ko. Di na rin ako nakapagsalita, dahil tila may bumabara sa aking lalamunan. Please Josh, sabihin mong ako ang girlfriend mo. Sabihin mo sa kanya ang totoo nang makabawi man lang ako sa babaeng higad na ito.
"Ah oo hon. She's my friend. Classmate ko siya nung college." At dun na gumuho ang mundo ko. FRIEND?! Pano niya nagawa sa akin ito? Nagbabadya man ang luha eh nagawa ko pa ring ngumiti. Hindi ako papayag na magmukha akong kawawa. Ayokong maging talunan. Tama na yung pinagmukha nila akong tanga. Kelangan kong maging matatag. Gusto niya ng laro? Pwes! Ibibigay ko sa kanya.
"Ah ganun ba? Hi! I'm Bianca, girlfriend of Josh. Nice to meet you!" Sabay lahad ng kamay nung babae sa kin. Syempre tinanggap ko para di ako magmukhang bitter. Girlfriend? Tsk! Timer! What a jerk!
"I'm Margaux. Kelan pa kayo?" Walang pakundangan kong tanong. Kahit ang totoo di ko na kayang makapagsalita pa. Pero di ako pwedeng magpatalo.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
Ficção GeralPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...
