Chapter 10: Fake

77 4 2
                                    

Dwayne's POV

"Sorry." Sambit ko.

Nagulat siya sa sinabi ko. Natigilan at bahagya pang nakaawang ang kaniyang bibig na tila di makahagilap ng sasabihin o ng isasagot sa sinabi ko. Kaya nagpatuloy pa ko sa pagsasalita.

"Sorry sa mga nasabi ko kanina." Sabi ko habang hindi makatingin sa kaniya.

Wala pa rin siyang imik. Kaya nilingon ko ulit siya. Gumagalaw-galaw ang kaniyang mga labi na tila may gustong sabihin ngunit tila di niya alam kung angkop nga ba itong sabihin.

Di na ko nagulat sa reaksyon niya. Sabagay, ako to eh! Si Dwayne to! Magsosorry sa kaniya? Nakakagulat nga talaga. Tss.

Pasalamat pa siya kung nagpaliwanag pa ko. Pero no way! Sapat na yun. Swerte niya no kung makakarinig siya sakin ng mahabang litanya ng paghingi ng tawad. Tss.

Wala ba talaga siyang balak magsalita? Pinapahiya niya ba ako? Tsk!

"And thank you nga pala sa pag-aalaga sakin." Dugtong ko pa.

"Ha?! A-ah wa-wala yun! Ano ka ba! Ano pa ba't magbabarkada tayo dito? Tsaka kasalanan ko rin naman yun eh kung bakit ka nagkasakit, kaya ok lang." Nakangiti niyang sabi. Sa wakas nagsalita rin siya.

"Nga pala, dinalhan kita ng pagkain. Kain ka muna. Kagabi ka pa raw hindi kumakain." Pero syempre alam kong di pa siya kumain.

"Talaga?!" Kita sa mata niya ang saya. Babaw naman ng kaligayahan ng babaeng to. Sinubukan niyang tumayo ngunit- "Ah!" Sigaw niya at bumalik siya sa pagkakahiga. Hawak-hawak niya ang kaniyang ulo habang nakapikit.

"Anong nangyayari sayo?!" Natataranta kong sabi. Yung reaksyon niya kasi nakakakaba.

"Umiikot paningin ko." Nahihirapan niyang sabi.

"Nahihilo ka lang pala, pero kung makasigaw ka." Kumalma naman ako. Kala ko kung ano nang nangyari sa kanya.

"Grabe kasi ang pag-ikot ng paningin ko! Ahh!!" Mabigat ang mga naging paghinga niya. "Na-nasusuka ako." Mahina niyang sabi.

"What?! Wag kang susuka diyan sa higaan natin, madudumihan! Dun ka sa cr!" F*ck! Anong gagawin ko?

"Di nga ako makatayo kasi nahihilo ako pag tumatayo ako. Na-nasusuka na ko, kumuha ka ng pwede kong sukahan." Nagpalinga-linga ako pero wala akong makitang pwedeng gamitin.

Aish! Alam ko na!

"A-anong ginagawa m-mo?" Tanong niya sakin.

Pero di na ko umimik. Binuhat ko na lang siya ng parang bagong kasal saka dinala sa CR at dun ko siya mismo ibinaba sa tapat ng lababo.

Nakapikit siya ng ibinababa ko at mahigpit ang pagkakakapit niya sa braso ko. Inalalayan ko naman siya. At sumuka na siya sa lababo, hinahagod ko naman ang kaniyang likod.

"Dwayne!" May kung sinumang tumawag sakin sabay rinig ko ang pagbukas ng pinto ng kung sino.

"Nandito ako sa CR!" Sagot ko naman dun sa tumawag sakin.

"Nasan ba si Xy-"


Natigilan siya nang maabutan niya si Xyrene na sumusuka. Sh*t! Baka kung ano namang isipin ng babaeng to.

"Bakit siya sumusuka?! Wag niyong sabihing- OMG!" Napatakip pa siya ng kaniyang bibig. "Dwayne naman! Pano na yung laro?! Wala pa ngang 1 month lumabag na kayo sa ru-"

"Pwede ba?! It's not what you think Alyssa. Huminahon ka." Pigil ko sa paghi-hysterical niya.

Buti naman tumigil na sa pagsusuka si Xyrene.

Squad In The HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon