Xyrene's POV
*TOK TOK TOK*
Napalingon ako sa pinto. Si Alyssa na siguro yan. Iniwan ko muna si Dwayne, at pumunta sa pinto para buksan ito. Tama nga ako, si Alyssa nga ang kumatok.
"Eto na yung pagkain ni Dwayne. Pasensya na ha kung natagalan ako sa pagluluto." Sabi niya habang dahan-dahang ibinibigay sakin ang kaniyang dala.
"Naku wala yon! Salamat nga dahil ipinagluto mo pa siya." Sambit ko habang dinadala ang pagkain sa side table ng kama. Sumusunod naman sakin si Alyssa.
"Ano pa ba't magkakaibigan tayo dito? Dapat nga eh magbabarkada na talaga ang turingan nating lahat dito." Nilingon ko siya saka nginitian. Napadako naman ang tingin niya kay Dwayne. "Sabi nila kapag may lagnat daw dapat hindi binabalot, kasi pag balutin mo siya edi lalong mainit. Ano pa daw silbi ng paglalagay ng bimpo at pagpupunas nito." Napatingin na rin ako kay Dwayne. "Pero sabi naman ng iba balutin daw para pagpawisan. Ay ewan! Ang gulo nila." Dugtong niya pa.
"Nilalamig kasi siya. Lalo pa't umuulan." Balik ko ng tingin ko sa kanya.
"Gawin mo na lang ang sa tingin mo makakatulong. Sige alis na ko, tawagin mo nalang ako kung may kelangan ka. Nga pala dinner niya na yan. Anong oras na rin kasi oh!" Tiningnan niya ang kaniyang relo. "Ikaw naman, bumaba ka na lang mamaya para kumain pagkatapos mo siyang pakainin. Di ka na namin mahihintay ah?" Sabi niya saka lumabas ng kwarto.
Nilapitan ko naman si Dwayne.
"Dwayne, gising." Umupo ako sa kama at tinapik-tapik ang kaniyang pisngi. "Gising muna Dwayne." Tinanggal ko yung bimpong nakalagay sa kaniyang noo. Unti-unti niya namang iminulat ang kaniyang mga mata. "Kain ka muna." Dahan-dahan siyang umupo pero nanghihina talaga siya. "Tulungan na kita." Tinulungan ko nga siyang makaupo. Inayos ko ang mga unan sa kaniyang likod. At kinuha ko ang dalang lugaw ni Alyssa.
"A-ako n-na." Pang-aagaw sakin ni Dwayne nung lugaw. Pero mabilis na iniiwas ko ito sa kanya.
"Hindi mo pa kaya. Tsaka sabi ko naman sayo diba, aalagaan kita. Kaya hayaan mo na akong gawin to sayo." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Hindi na rin naman siya kumontra pa. 1st time atang di siya nakipagtalo sakin.
Sinimulan ko ng subuan siya. Nung simula parang nahihiya pa siya. Pero nung tumagal na, naging komportable na rin siya. Ngunit nung malapit ng maubos eh bigla siyang nag-iwas ng tingin.
"Kain ka pa." Umiling lang siya.
"Kelangan mong ubusin to para lumakas ka kagad. Sige na oh kain ka pa." Hindi rin naman siya nagalit. Sinubo niya na lang yung lugaw.
Dahil sa ginawa niya, eh natigilan ako.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"A-ah w-wala n-naman. Oh kain ka pa." Sagot ko.
Totoo ba talaga to?
Nangyayari ba talaga to?
Hindi niya ako sinusungitan o pinapagalitan.
Hindi rin siya nakikipagtalo sakin.
Sinusunod niya lahat ng sinasabi ko.
Mabait pala siya pag may sakit.
Sana pala lagi nalang siyang may sakit.
Hala! Ano ba tong pinagsasabi ko? Ansama ko naman.
Pinagpatuloy ko na lang yung pagpakain kay Dwayne.
May kumalat na lugaw sa gilid ng labi niya. Pinunasan ko ito. Natigilan siya sa ginawa ko. Maging ako ay nagulat. Nagtitigan kami. Ngunit siya ang unang umiwas ng tingin. At dun lang ako natauhan. Huli na nang mapagtanto ko na awkward aking ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
Ficção GeralPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...