Chapter 5: Pangungulit

50 3 0
                                    

Xyrene's POV

Nagising ako dahil sa pagkulo ng tiyan ko.

*kurap kurap*

Huh?? Madilim na pala. Kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung anong oras na.






2am?!!


Ang tagal ko naman atang natulog? Sa pagkakaalala ko eh hapon ako natulog. Kaya naman pala nakakaramdam na ko ng gutom. Di man lang kasi ako ginising para kumain. Tsss, makababa na nga.

Teka, nasan si Dwayne? Wala siya dito sa kama. Eh katabi ko yun kanina bago ako makatulog.

Tumayo ako at hinanap siya. Natagpuan kong nakatayo siya sa veranda. Ano naman kayang ginagawa niya rito sa ganitong oras?


Nilapitan ko siya ngunit parang ang lalim ng iniisip niya. Mukha kasing di niya napansin ang paglapit ko. Sabagay wala naman siyang paki sa mga nakapaligid sa kanya.


"Hi Dwayne!" Bati ko sa kanya. Napaigtad siya at halatang nagulat ito dahil nga sa di niya ko napansin. Ngunit agad din siyang nakabawi at masama akong tiningnan.





Alam ko kung ba't naging ganyan yan. Dahil ako ang kanyang nakita. Ewan ko ba at parang ang laki ng galit niya sakin.


"Naku sorry, nagulat ata kita." Paumanhin ko. Pano ba naman kasi nakakatakot siya kung makatingin.


"Tsss... Asa ka namang nagulat ako."

"Huh? Halata kaya." Deny pa eh kita naman na.

"Pwede ba?!" Hala galit na naman siya.


"Oo na, hindi ka na nagulat. Galit ka naman agad eh. Relax ka lang, sinisira mo tong magandang... ano eh..." Ano ba tamang term dito?


"Ano? Wag mong sabihing magandang... moment?" Napatingin naman ako kaagad sa kanya. May pagkaromantiko rin pala isip nito.


"Hindi noh! Hindi yan ang iniisip ko. Itong magandang ... ahmm.. kapaligiran!" Ano ba yan Xyrene para kang tanga! Huhu di ko kasi mahagilap yung right term.


"Huh??" Tiningnan niya ako with his naguguluhan-look. Ano ba naman kasing palusot yun.


"Tingnan mo ang paligid. Ang ganda ng langit, maraming bituin, at ang liwanag ng buwan. Pakiramdaman mo ito, ang payapa diba? Ang sarap sa feeling ng simoy ng hangin. Kaya imbes na nagsusungit ka dyan, magrelax ka na lang. Ang ganda kaya ng atmosphere." Ibinuka ko pa talaga ang aking mga kamay para damhin ang malamig na hangin habang nakapikit. Ang sarap sa pakiramdam.


Muli ko siyang tinignan. Kalmado na ang kanyang mukha. Sana naman na-gets niya na yung point ko. Natahimik siya eh.


Maya-maya pa'y bigla ko siyang tinanong. "Ahmm Dwayne? Ahmmm pwede ba tayong maging magkaibigan?"



"Hindi pwede." Diretso niyang sagot. Ni hindi niya man lang ako nilingon.


"Huh? Bakit naman?" Sa kanya pa rin ako nakatingin pero siya diretso lang ang tingin.


"Dahil ayoko." Bumalik na naman siya sa pagiging masungit niya.


"Wala namang masama sa pakikipagkaibigan." Napatingin na siya sakin.

"Sa pakikipagkaibigan wala, pero kung ikaw ang magiging kaibigan masama!" May diin niyang sabi. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang galit. Pero matapang ko itong sinalubong. Dahil wala akong kinakatakutan kasi alam kong wala akong ginagawang masama.


Squad In The HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon