Xyrene's POV
"Whaaaaatttt??!!" Sabay-sabay naming sigaw.
Napalingon ako sa kaharap ko.
Hala! Bigla siyang lumingon sakin. At ang sama ng tingin. Para bang pinapatay niya na ko sa tingin niya. Ano bang iniisip ng lalaking to? Pero inaamin ko, nakakatakot siyang tumingin. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya ah!
"Yes. At wala na kayong magagawa dun." Bumalik sa matandang babae ang tingin naming lahat.
"At para naman sa mga gawaing-bahay, kayo nang bahala mag-settle nun. Isa na yan sa pwedeng maging puntos niyo as may magandang squad goals. Pasalamat kayo at binigyan ko na kayo ng isang hint. Sige that's all for today. Kayo nang bahala sa isa't-isa. Enjoy!" Sabi nung matandang babae habang nakangiti sa amin sabay tayo at lumabas ng conference hall.
I'm speechless. Actually we're speechless. Lahat kami natulala at tila di makapaniwala. Lahat malalim ang iniisip. Ilang minuto rin kami natahimik.
"So guys...." Binasag nung babaeng katabi ko ang katahimikan. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Mukhang wala na talaga tayong magagawa. Tutal narito na rin naman tayo, let's do this. Let's cooperate. Makisama nalang tayo at mag-enjoy. Ginusto naman natin to diba? Kaya panindigan nalang natin." Tila nag-aalangan niya pang sabi sa amin.
Tss! Hindi ko to ginusto! Kasalanan to nung baliw kong bestfriend.
"Tama siya. Magkaisa nalang tayo." Sagot naman nung lalaking may genuine smile hehe.
"Tutal ikaw naman unang nakapag-isip ng maayos hahahahaha ikaw na magsilbing leader. Ikaw na manguna satin." Tukoy nung lalaking cute sa babaeng unang nagsalita. Sabi na nga ba eh palatawa to.
"Yeah." Sang-ayon naman nung sosyal na babae.
"Ok sige. Ahmmm tanggalin niyo na ang ilang na nararamdaman niyo, and let's all be friends." Nakangiti niyang sabi. Nawala na yung pagkailang niya at bumalik yung ngiting palakaibigan na una kong nasilayan kanina.
"And to start with, kelangan syempre alam natin ang pangalan ng isa't isa. So ano tayo ngayon 'Getting to know each other' stage. Ako muna magpapakilala sunod kayo girls then boys. Ok?" Tanong niya samin.
"Ok." Sang-ayon naming lahat.
"Ahmm ako si-" naputol yung sasabihin niya sana nung biglang bumukas ang pintuan. Huh? Bumalik si Miss Vera, matandang babae pero Miss pa rin.
"Oh hello guys! I'm very sorry! Here is your card." Isa isa niya kaming binigyan ng card. Ano to?
"Yan ang magsisilbi niyong pera para makabili kayo ng kakailanganin niyo dito sa bahay. Pero, wag abusuhin para sa pansariling kagustuhan, nauubos rin yan. Yun nga lang pwede pa rin kayong bigyan pag naubos yan. Sabihin niyo lang sakin kasi dadalaw-dalaw naman ako sa inyo dito. Pero araw-araw ko pa rin kayong monitor. At nga pala, pag naubos yan at wala pa ko pwede kayong humiram sa ka-squad niyo. Gets?" Mahabang litanya ni Miss Vera.
Tumango naman kaming lahat.
"Sige Dan, ikabit mo na sa kanila yung tracking device." Utos naman ni Miss Vera dun sa lalaking mukhang bouncer. Sumunod naman yung lalaki at isa-isa kaming nilapitan. May kung ano siyang idinikit sa aming may pulsuhan. Hindi siya masyadong halata pero kung tututukan isa nga itong maliit na device.
"Para alam namin kung saan-saan kayo nagpupupunta. At ang tanging makakatanggal lang rin niyan ay kami. And by the way, maraming camera sa loob at labas ng bahay na ito maging sa inyong kwarto. CR lamang ang wala." Ay iba! PBB lang ang peg. Tss. "Yun ay para alam namin ang pinaggagawa niyo dito." Dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
Ficción GeneralPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...