Xyrene's POV
Lumipas na ang ilang araw at linggo, pero pakikitungo sakin ni Dwayne ay di pa rin nagbabago. Hanggang ngayon hindi pa rin kami magkaibigan.
Ginawa ko na ang lahat ng friendly moves ko, pero wala pa rin. Lagi ko siyang kinakausap, pero dinededma niya lang ako. Kinukulit ko sa tuwing may ginagawa siya para mapansin lang ako, yun bang tinatanong kung ano bang ginagawa niya or sasabihan ng ang galing niya pala sa mga ganyang bagay. Lahat na sinabi ko, pero wala pa rin talaga.
Minsan nga nakukulitan na siguro siya, nasisigawan niya na ako. Ewan ko ba pero ramdam ko yung galit niya. Yun bang galit na galit talaga siya sakin. Wala naman akong ginawang masama para maging ganiyan siya sakin.
Alam mo yung mas nakakainis, yung tipong sakin lang siya ganyan. Kasi sa iba naming kasama sa bahay nakikisama siya. Nakikipagkwentuhan, nakikipag-asaran, at nakikipag-kulitan. Pero pag andyan na ako, back to serious mode siya. Susungitan niya ako at pagagalitan. Kesyo daw ang kulit ko at ang stupid pa. Sinusubukan ko naman siyang pakisamahan, pero siya talaga tong ayaw. Seryoso nga talaga siya sa sinabi niyang ayaw niya akong maging kaibigan.
Hindi ko nga alam kung bakit nakakatiis pa ako ng ganito. Hindi ko alam kung bakit natitiis kong ginaganito ako.
Oo friendly ako, makulit, masayahin, may pagkabaliw pero may prinsipyo pa rin ako sa buhay. Yun ay yung di ako papayag na api-apihin lang ng iba lalo pa't alam kong wala naman akong ginagawang masama. Lalaban ako kung tama ako. Ngunit hindi ko alam na kung bakit pagdating sa kanya, nagagawa kong magtimpi. At natitiis ko na sigaw-sigawan lang ako, pagalitan at pagsalitaan ng kahit na ano na hindi man lang ako lumalaban.
Ewan ko ba sa sarili ko.
"Xyrene!!!"
Bumalik ako sa realidad nung marinig ko ang sigaw na yun.
"Bakit?" Tanong ko sa kung sino mang tumatawag na yun sakin.
"Lumabas ka nga diyan! Pinapatawag ka ni Alyssa." Ah si Stephen pala.
"Oo sige, sabihin mo pupunta na."
Nandito kasi ako sa kwarto ngayon, dito sa veranda nagmumuni-muni. Sinira lang nung mokong na yon. Si Dwayne? Malay ko dun.
Makalabas na nga. Pagdating ko sa baba, nilapitan agad ako ni Alyssa.
"Oh Xyrene! Tutal kayo naman ni Dwayne yung walang ginagawa, paki linis naman nung van na andun na sa labas." Sabi sakin ni Alyssa.
"Okay/What?!" Sabay na sabi namin ni Dwayne. Nandito rin si Dwayne, nakaupo siya sa sofa.
"Bakit kami?! Iba na lang ipartner niyo sa kanya." Tutol ni Dwayne.
Kitams! Halos ayaw niya na akong makasama at makita.
"Eh kayo nga yung walang ginagawa." Paliwanag naman ni Alyssa. "Magluluto kasi kami ngayon ni Stephen for lunch,tapos sina sina Zero maglilinis daw ng kwarto nila, sina Xylex naman nag-date ata."
"Nag-date?!" Tanong ko. At tinanguan lang ako ni Alyssa. "Nag-commute lang sila?" Tanong ko ulit kay Aly.
"Hindi. Gamit nila yung sasakyan ni Xylex na kinuha niya sa bahay nila nung isang linggo pa lang tayo dito." Ahh ganun pala. Pwede naman kasi kaming pumunta kahit saan namin gusto, pero dapat dito pa rin kami uuwi at the end of the day.
Sabi na eh may something talaga sa dalawang yun. Pano ba naman, isang araw umuwi yung dalawa na magkaholding hands. Tapos nitong mga nakaraang araw ang sweet nila lalo na ni Xylex, ang sweet niya kay Margaux. Para ngang sila eh.
BINABASA MO ANG
Squad In The House
General FictionPano kung sa di inaasahan napasali ka sa isang larong di mo ginusto? At wala kanang paraan pa para matanggihan mo pa ito. Isang laro na ginawa ng gobyerno. Hindi ito basta-bastang 'Individual Contest' lamang bagkus ito ay 'Group Contest'. Grupo ng m...