Chapter 6: Uncertain

79 5 0
                                    

CHAPTER 6: Uncertain

[Joanna Marie Almeda]

Tsk. Napakamot ako sa ulo ko nang hindi ko na makita si Jairon. Ang bilis naman kasing tumakbo ng kumag na yon. Maliit lang binti ko samantalang siya mahaba. Haay nako. Hindi ko na siya hahanapin. Bahala siya dyan magtago.

Dahil sa kakatakbo pumunta muna ako sa isang fastfood chain para bumili ng pagkain. Pumila ako at hinintay na maka-order ng pagkain.

"You didn't find me." Alam ko kung sino yong nagsalita kaya hindi na ako nagtangkang lumingon.

"Nakakapagod kayang maghanap sa taong hindi nagpapakita." Sagot ko sa kanya habang tumitingin ako sa menu kung ano pwede kong order-in.

"Ako na mag-oorder. Maghanap ka na lang table natin. Ano ba order mo?"

"Dalawang cheeseburger at isang large fries. Tapos isang monster float at oreo mcflurry."

Lumaki yong mata niya pagkarinig ng order ko. Natawa ako sa reaksyon niyang yon.

"Seriously? Mauubos mo ba yon? Hindi ba masyadong marami yon?" Umiling naman ako. Actually kulang pa nga sa'kin yon eh hahaha.

"Oo mauubos ko yan kaya dyan ka lang." Sabi ko at umalis na para maghanap ng mauupuan. Nakakita naman ako sa isang gilid kaya dumeretso na ako papunta ron.

Ilang sandaling paghihintay ko ay dumating na si Jairon dala ang in-order niyang pagkain.

Yum yum yum.

"Here's your order madamè." Natawa ako sa sinabi niya. Napangiti naman siya ron.

Kinuha ko na ang cheeseburger saka nilantakan yon.

Habang kumakain kami ay nagtanong ako sa kanya. "Wala ka bang trabaho? Bakit ka pumayag na maging bodyguard ko?"

Sinagot naman niya ang taong ko. "Meron. CEO ako ng company ko."

Wow. Bigatin pala ang taong 'to. Pero teka... "Kung CEO ka, diba dapat nasa company ka at nagtatrabaho?"

"Nababagot din ako sa opisina kaya hindi ako nagtatrabaho. May mapagkakatiwalaang tao naman ako ron."

"Ahhh. Okay. Uhm, may asawa ka na ba or girlfriend?"

Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Meron."

"Asawa o girlfriend?"

"Asawa."

Bigla akong nabilaukan sa kinakain ko. Kaagad naman akong napainom sa coke float ko. Asawa?! Seryoso?!

"Seryoso ka dyan? May asawa ka na?! Nasaan siya?" Hindi talaga ako makapaniwala. May asawa na pala siya. Hindi halata sa mukha niya hehe.

Pansin kong hindi niya sinagot ang tanong ko dahil nakatulala siya. Tinawag ko naman siya.

"Uy. Nasaan kako asawa mo?"

Nakatitig lang siya sa'kin na para bang nasa akin yong sagot niya sa tanong ko.

Isang sagot, naging malaking epekto ito sa'kin.

"Gone."

Gone? Panong gone? Nawawala ba siya? Or patay na?

"Specific mo nga sagot mo. Ang tipid ng salita mo eh."

Bumuntong hininga siya bago sumagot. "Someone took her while I'm in jail."

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon