Chapter 4: Bodyguard

313 9 2
                                    

CHAPTER 4: Bodyguard

[Joanna Marie Almeda]

"Gusto mo ba talagang lumabas ng bahay?" Tanong ni Aki sa'kin. Mukhang napansin niyang kanina ko pa siya hindi iniimik.

I quickly nodded my head at him. Ayoko na talaga sa bahay. Baka mabaliw na ako sa loob at ma-mental pa hahaha de joke lang.

"I'll let you go out..." nangislap ang mata ko. Yes! Pinayagan na niya akong lumabas! Pero natahimik ako ng may idinagdag siya.

"But someone will accompany you while I'm away. Is that okay with you?"

Ano? Kailangan pang may kasama ako para lang lumabas? Ano yon bodyguard ko yong kasama ko?

Ngumuso ako. "Edi may bodyguard akong kasama kapag lalabas ako? Hindi ba magara yon?"

Huminga siya ng malalim at lumapit sa likod pagkatapos niyakap niya ako. Pinatong niya yong ulo niya sa balikat ko.

"Nag-aalala lang naman ako sa kaligtasan mo, honey. Don't worry kilala mo naman yong makakasama mo. You can trust him."

Him? Lalaki bodyguard ko? Hindi ba pwedeng babae? Diba meron namang mga babaeng bodyguard?

Tumango na lang ako saka ngumiti. "Salamat talaga, Aki. Kung pwede lang ikaw na lang yong lagi kong kasama edi sana hindi ako naboboring dito sa bahay."

Humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin, naramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo.

"I miss you so much, honey."

"Miss na miss na rin kita, Aki."

~~~***~~~

[Jairon Ken Dela Cruz]

Fuck! Hinahamon talaga ako ng babaeng yon. Kung hindi ko lang siya as--- nevermind.

Nang mahimasmasan na ako ay sinundan ko yong sinasakyan niyang tricycle. Every minute, every second, every hour, I need to guard her para malaman ko na ligtas siya lagi.

Kinuha ko yong sigarilyo ko na nakatago lang sa bulsa ng pantalon saka sinindihan yon. Bumuga ako ng usok habang pinagmamasdan siyang pumasok ng bahay nilang dalawa ni Aki.

I don't know why I'm still following her pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Dapat maging masaya ako because finally, she's happy now with her life.

Mapait akong napangiti. Lahat ginawa ko para paghigantihan ang asawa ko sa mga taong nanggago sa'min noon.

Is this the time that I should move on? Hindi ba talaga kami para sa isa't-isa?

Nakailang buga na ako ng usok nang marinig kong tumutunog yong phone ko. Tinapon ko yong upos ng sigarilyo bago kunin at sagutin ang tumatawag.

"Hello?"

[Hey, man. Can you do me a favor?]

Si Aki pala 'to. Ano kaya kailangan nito sa'kin?

"Shoot." Sagot ko at sumandal sa may poste.

[Pwede mo bang samahan si Joanna kapag lalabas siya ng bahay? Hindi ko kasi siya pinapayagang lumabas ng mag-isa kapag wala ako sa bahay.]

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang pangalan na yon.

"Sure, no problem." Mabilis kong sagot sa kanya.

[Thanks, man. I owe you one.]

Pagkasabi niya non naputol na yong tawag. Nakatulala lang ako sa kawalan habang pilit na inaabsorb yong sinabi sa'kin ni Aki.

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon