Chapter 2: Where it all began (Part 2)

289 11 2
                                    

CHAPTER 2: WHERE IT ALL BEGAN (PART 2)

[Third Person's POV]

Gustuhin man niyang tulungan ang asawa pero walang siyang lakas para magawa iyon. Ang nagawa na lang niya ay umiyak ng umiyak habang pinapanood ang asawang umiiyak habang binababoy ng mga ito. Masakit para sa kalooban niya ang nakikita niyang dinaranas ng asawa niya.

"Maawa ka sa'kin! Ugh!" biglang sinuntok ng lalaki ang tyan ng kanyang asawa kasabay ng pag-untog ng ulo nito sa katabing poste nito.

"Manahimik ka! Bubusalan ko 'yang bibig mo!"

Nawala ang atensyon niya sa kanyang asawa nang suntukin ulit siya ng lalaki. Napaubo siya ng dugo.

"Kung nakinig ka lang sana sa'min, hindi ito mangyayari sa inyo." Sabi nito at tumawa ng malakas.

Pinilit niyang tumayo pero bumibigay ang kanyang katawan at natutumba.

"Pare, dinudugo 'yong babae." Tawag pansin no'ng lalaki.

Iniwan siya ng lalaki at lumapit sa kasamahan.

Nakita niya ang kanyang asawang walang tigil sa pag-iyak habang namimilipit ito sa sakit, hawak-hawak nito ang tyan. Nakita niya ang pag-agos ng dugo mula sa hita nito. Namutla siya ng makita niya nito.

"T-tulungan niyo ko. Ah! Masakit!" daing ng kanyang asawa habang walang tigil ang paghagos ng luha nito.

"Gago ka, bakit mo sinuntok yong babae?! Buntis pala 'tong babaeng 'to." Sabi nito at hinila ang isang kasamahang lalaking tumayo. Ang isang kasamahan naman nito ay nakatitig lang sa kanyang asawa.

Buntis ang kanyang asawa. Nangilid ang kanyang mata at tumulo roon ang luha niya dahil sa nangyari. Hindi maaari...

Gusto niyang puntahan ang kanyang asawa. Gusto niyang iligtas ang anak nila sa sinapupunan nito. Wala siyang kamalay-malay na dinadala nito ang kanyang anak. Kung nalaman lang sana niya ng maaga, hindi sana ito mangyayari sa kanila. Hindi sana sila mapapahamak.

Sinampal ng asawa niya ang lalaki. "Walanghiya ka!" galit na bulyaw nito.

"Palaban kang babae ka ah." Sabi nito at inumpog ng malakas ang ulo ng asawa sa posteng katabi nito. Nawalan ng malay ang kanyang asawa at napahandusay sa sahig.

Gusto niyang magwala sa nakita niya. Tangina! Gusto niyang patayin ang mga lalaking nanakit sa kanyang asawa!

"Iwanan niyo na 'yan, mamamatay din 'yang dalawang 'yan." Sabi ng lalaking bumugbog sa kanila.

"Baka magsumbong 'yang lalaking 'yan." Turo sa kanya ng isang kasamahan nito.

"Wala naman siyang ebidensyang maipapakita sa pulis. Tara na, pabayaan niyo na lang silang dalawa dyan." Sabi no'ng lalaki at umalis kasama ang dalawa nitong kasamahan.

Inipon niya ang buong lakas niya para mapuntahan ang kanyang asawa. Kailangan niya itong madala sa Hospital.

Kinaya niyang buhatin ang hinang-hina niyang asawa. Pinilit niyang tumakbo sa malapit na Hospital sa lugar nila.

"Kumapit ka lang, mahal. Kapit ka lang." pinilit niyang magpakatatag pero pinanghihinaan siya ng loob tuwing naaalala niya ang ginawang pangbababoy ng mga lalaki sa asawa niya.

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon