Chapter 16: Serving the patient

51 1 0
                                    

Chapter 16: Serving the patient

[Joanna Marie Almeda]

Habang nasa biyahe kami papuntang hospital ay tahimik lang kaming dalawa ni Aki. Nang masulyapan ko siya, blangko lang ang mukha nito habang nakatingin sa daan. Napabuntong hininga ako at tumingin na lang sa labas ng bintana.

Bago kami umalis, hinanda ko na yong bag kong may lamang damit at ilang personal na kagamitan. Sa condo ni Jairon ako matutulog. Siguro naman meron itong guest room.

Tutal bukas din namang uuwi si Aki, narinig ko kasi siyang may kausap at tungkol ito sa trabaho, ay patas lang kami. Nakakaramdam pa rin ako ng inis kay Aki.

Nang nasa tapat na kami ng hospital ay nagmamadali kong kinalag ang seatbelt sabay kuha ng bag ko at lumabas na ng sasakyan. Hindi man lang ako tinawag ni Aki. Ano naman ineexpect ko? Magkagalit nga pala kami. Nang masara ko ang pinto ay kaagad na humarurot paalis ang sasakyan.

Napabuga na lang ako ng hangin bago pumasok ng hospital. Tinahak ko ang daan papunta sa kwarto ni Jairon.

Patingin-tingin ako sa mga nadadaanang kong mga pasyente at mga nurse. Pumasok sa isip ko ang nangyari sa'kin nong mag-isa lang ako sa kwartong tinutuluyan ko. Noong panahon na yon, umaasa ako lagi na babalikan ako ng lalaking nag-alaga sa'kin kasi panatag ang loob ko sa lalaking yon pero makalipas ng ilang lingo hindi na ito bumalik. Doon ako tuluyang nalungkot. Wala na nga akong maalala, wala pa akong mga kilalang tao na pwedeng tumulong sa'kin, yong lalaking nag-alaga sa'kin ang inaasahan ko pero hindi na ito bumalik.

Nasa tapat na ako ng kwarto ni Jairon kaya binuksan ko na ito at nabungaran ko siyang may kausap na dalawang tao na mukhang mag-asawa. Nakangiti si Jairon tapos narinig kong napatawa ang lalaking kausap nito. Pamilyar sa'kin ang likuran ng mga ito.

Sinarado ko na ang pinto na ikinalingon nilang tatlo. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino sila.

"Kath?! Skyler?!" Tuwa ang naramdaman ko dahil sa wakas nandito na rin sila!

Kaagad tumakbo sa'kin si Kath at niyakap ako ng mahigpit. Grabe, namiss ko ang babaeng 'to!

"Hindi kita inaasahang makikita rito! Buti na lang binisita namin ni Gurang si Jairon!" Sabi sa'kin ni Kath at kumalas ng yakap.

"Ako rin. Akala ko matagal ko pa kayo makikita!" Tuwang pahayag ko rito.

Lumapit na kami kila Jairon at Skyler na nakatingin pala sa'min.

"Good to see you here, Joanna. Ba't hindi mo kasama si Aki?" Ngiting bati sa'kin ni Skyler.

"Wala siya eh. Pumasok sa trabaho." Tumango naman ito bago binalingan si Jairon.

"Sa susunod mag-iingat ka!" Parang tatay kung magsalita itong si Skyler. Ngising-ngisi lang naman itong si Jairon.

"Yes po, daddy." May pagkasarkastikong sabi nito. Parehas kami napatawa ni Kath dahil don.

"Teka, nasaan pala yong kambal niyo?" Tanong ko sa mga ito. Hindi nila kasi kasama ang kambal, pansin ko.

Si Skyler ang sumagot sa tanong ko. "Na kila mommy. Iniwan muna namin when I receive a message from Jairon that he's in the hospital." Ahh. Kaya pala napapunta ang mag-asawa 'tong dito.

Nagkwentuhan muna kaming lahat tungkol sa mga nangyari simula nang umalis ang mga ito sa bahay namin. Halos inabot ng dalawang oras ang kwentuhan namin. Nalaman ko rin na engage sina Charlotte at Zyron. Nalungkot tuloy ako, nahuli na pala ako sa balita. Nasa ibang bansa pala ang mga ito.

"So, paano na ba yan? Uwi na kami ni Gurang. Baka kanina pa kami hinahanap ng kambal." Ani Kath sabay tayo nilang mag-asawa. Tumayo na rin ako at nginitian sila. Niyakap ko muna si Kath.

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon