CHAPTER 12: Triggered
[Joanna Marie Almeda]
"Bakit nga ba hindi ka nagpakita sa'min ni Aki ng dalawang linggo?" Tanong ko sa kanya.
"I have some business to deal with."
Napatango naman ako ron. Yon naman pala. Bakit hindi na lang niya tinext si Aki? Business lang naman pala.
Hindi na ako nagtanong pa. Inaayo ko siyang magpunta ron sa natanaw kong fishpond kanina.
Naglalakad kami papunta ron pero tahimik siya. Kanina nga ang daldal-daldal niya tapos ngayon tahimik na.
Feeling ko ang daming sikretong tinatago itong si Jairon. Para may something sa pagkatao niya ang kailangan kong malaman.
Ilang minuto naming paglilibot ay nag-aya na siyang umuwi. Grabe talaga siya. Ilang minuto pa lang kami rito sa park eh!
Nakasimangot lang ako hanggang sa makarating na kami ng sasakyan niya. Padabog kong sinarado yong pinto. Naglagay na rin kaagad ako ng seatbelt.
Nang makapasok siya ng sasakyan napansin niya yong expression ko. "What's with the face."
"None of your business." Pagtataray ko rito. Inirapan ko rin siya.
Napabuntong-hininga siya bago ini-start yong kotse.
Habang nagmamaneho siya ako naman tumitingin lang sa labas. Ayoko pang umuwi. Gusto ko pa maglibot. Kaso yong kasama ko naman gustong-gusto nang umuwi dahil ang bilis ng magpapatakbo nito ng kotse.
Bakit ba gustong-gusto na nitong umuwi? Wala pa ngang tanghalian nag-aya na kaagad siyang umuwi.
"Fuck!"
Kaagad akong napatingin sa kanya nang marinig ko siyang magmura. Parang siyang namumutla na ewan. Pinagpapawisan pa yong noo. Hindi siya mapakali.
"Bakit? Ano meron?"
Hindi niya ako sinagot bagkus mas binilisan niya ang pagpapatakbo ng kotse. Napakapit ng ako ng mahigpit sa seatbelt. Bigla akong binalutan ng takot sa hindi ko malamang dahilan.
~~~***~~~
[Third Person's POV]
'Tangina bakit ngayon pa kayo nagpakita!' nanggigigil na wika sa isip ni Jairon.
Magmula nong nasa park na sila ni Joanna ay napansin niyang may sumusunod sa kanila. Hindi siya nagpahalata non. Pero simula nong nasa sasakyan na sila, ramdam niyang may gagawing hindi maganda ang sumusunod sa kanila. Kaya mabilis ang pagpapatakbo ng kotse niya ng mga oras na yon.
Napamura siya nang makita niyang dalawang motor ang nasa magkabilang gilid ng kotse niya sa may bandang likod. Harap-harapan ang mga ito gagawa ng masama.
Nangamba siya sa kaligtasan ni Joanna. Hindi pwedeng madamay ito. Pero wala na siyanh choice. Ang kailangan niyang gawin ay protektahan ito sa abo ng makakaya niya.
Mabilisan siyang naglagay ng earpiece sa tenga at tinawagan si Grey.
"Track me." Alam na ni Grey ang gagawin non.
[Copy, boss.]
Niliko niya ang kotse sa isang eskinita. Nakalabas sila sa kalsadang walang gaanong tao at bahay. Mas lalo siyang kinabahan.
"J-jairon, anong n-nangyayari." Saglit siyang napasulyap sa asawa niya. Takot na takot ito.
Nagsisi siya kung bakita hindi pa niya tinapos ang Guevarra'ng yon. Edi sana nasa maayos silang lagay ng asawa niya.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomanceJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...