Chapter 15: Personal Nurse

111 6 1
                                    

Chapter 15: Personal Nurse

[Joanna Marie Almeda]

Lumipas ang ilang oras, dumating na rin si Aki na may dalang pagkain para sa aming lahat. Kaagad ko naman siyang sinalubong at hinalikan sa pisngi niya. Siya naman ay hinalikan ako sa labi pero smack lang. 

Bumaling si Aki kay Jairon. "Hey, man. How are you?" Tanong nito. Nilapag niya ang plastic sa table bago kumuha ng isa pang upuan at lumapit sa gilid ng kama.

Nginitian naman ni Jairon ang kaibigan. "I'm fine. May siraulo lang bumaril sa'kin." At napatawa ng mahina. Nakitawa rin si Aki pero kalaunan binatukan si Jairon.

Napatawa ako sa ginawa ni Aki. Umaray naman si Jairon at hinimas ang ulo nito. "What was that for, dude? Ang sakit."

"Eh gago ka kasi. Tinatanong kita ng seryoso tapos sasagot ka pa sa'kin ng kalokohan."

"Tsk. You know me, dude. Pero sige na, may humahabol sa'ming mga gago, nililigaw ko sila pero pinaputukan nila kami." Seryosong pahayag nito. "Joanna is with me when the incident happened so I need to think of another plan para hindi siya madamay. So the best way is to fight back. Don't worry, nagtawag ako ng tulong."

Nalukot ang mukha ni Aki at seryosong nagtanong. "Then why are you shot?"

Umiling naman si Jairon. "Habang nakatalikod, tinira ba naman ako."

"Kung hindi ka ba naman kasing gago, hindi mo pa tinuluyan."

"Aba malay ko bang titirahin niya ako sa likod. If I know, I'll fucking blow off his head first."

Puro mura na lang naiintindihan ko. Dapat nga sasawayin ko si Aki dahil nagmura ito pero hinayaan ko na lang. Baka kasi sabihan pa nila akong epal sa usapan nilang magkaibigan.

Nakinig na lang ako habang nag-uusap sila Aki at Jairon sa harapan ko.

"So, kailan ka madidischarge?"

"Tomorrow afternoon."

"That means you're okay now?"

Tumango ito. "Chineck na ako ng doctor kanina. Normal na raw ang vitals ko. But I need to drink pain killers kasi sasakit raw yong tahi ko sa mga susunod na araw."

"Nasaan yong pain killers mo?"

Kaagad napalingon sa'kin si Jairon na nakasimangot at tinuro ako.

"She don't want to buy me. Mahangin daw ako." Pagsusumbong nito. Napataas tuloy ang kilay niya rito. Sumbungero pala talaga 'tong lalaking 'to.

"Eh sabi niya kasi kanina pambata raw yong pain killers. Ang yabang-yabang niyan kanina. Akala mo superman. Hindi tinatablsn ng bala." At inirapan ko ito. Narinig kong tumawa ng malakas si Aki samantalang nakanguso lang si Jairon.

Buti nga sa kanya. Manigas siya dyan.

"So let's eat first muna? Maybe your all hungry."

"Ay ako, kanina pa ako nagugutom hehehe."

Parehas natawa sina Aki at Jairon sa akin. Napanguso tuloy ako. Bakit naman natawa ang mga ito sa akin? May nakakatawa ba?

"Anong nakakatawa ron? May nakakatawa ba?" Tapos napataas ako ng kilay.

"Wala. Gutumin ka talaga. Binubusog naman kita araw-araw ah?" Saad ni Aki sa'kin. Napakamot na lang ako sa batok ko.

"That's why you're getting fat. Mahilig ka talaga sa pagkain." Matalim ang mga tingin ang pinukol ko kay Jairon na tumatawa.

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon