CHAPTER 9: Wedding
[Joanna Marie Almeda]
"Bakit ginabi ka ngayon? Where's Jairon?"
Yan ang bumungad sa'kin pagkabukas ko pa lang ng pinto.
Seryoso ang mukha ni Aki ngayon kaya malambing akong ngumiti sa kanya bago siya sinagot. "Kasi naman po napasarap yong pamamasyal namin sa mall. Alam mo namang matagal na akong hindi nakakapunta sa mall. Tsaka umuwi na rin si Jairon. Inaya ko nga siyang sabayan tayong kumain pero umayaw siya."
Tumango nga siya pero ganon pa rin mukha niya. Binaba ko na muna yong mga dala ko bago lumapit sa kanya at niyakap siya sa bewang dahil medyo matangkad siya kesa sa'kin hehe.
Niyakap din naman niya ako sa leeg kaya napahagikgik ako.
"Namiss mo ba ako? Hihihi." Ramdam kong tumango siya kaya napangiti ako ng malapad.
Nag-stay muna kami sa ganong posisyon bago kumalas. Kinuha niya yong mga dala ko kanina at inaya akong pumunta sa kusina.
May mga hinanda na pala siyang ulam kaya nagsimula na kaming kumain. Kinain ko na rin yong tinake-out ko sa mcdo. Binigyan ko rin si Aki pero tinanggihan niya ako kaya nakasimangot lang ako sa kanya tuwing kinakausap niya.
“Honey, what’s wrong?” tanong niya sa’kin pero hindi ako sumagot. Nakaupo lang ako rito sa sofa habang nanonood ng powerpuff girls.
Hindi ko siya sinagot. Nagtatampo ako sa kanya. Siya na nga ‘tong binibigyan ng pagkain, ayaw pa. Manigas siya dyan. Sa susunod hindi ko na siya uuwian ng pagkain. Kumuha ako ng isang fries tapos sinubo ko yon. Hindi talagang nakakasawa yong fries ng mcdo. Mas masarap pa kesa Jollibee kahit na bida ang saya ron hihihi.
“Ayy Jollibee!” tili ko sabay sandal sa dibdib ni Aki na hindi ko namalayang katabi ko na. Hinila ba naman niya yong bewang ko.
“Ano ba yan Aki! Kumakain ako eh!” nagpalag ako sa bisig niya pero humigpit lang kapit niya sa bewang ko. Sumubsob lang siya sa may leeg ko.
“Hmm… Ayaw mo kong pansinin eh.” para siyang bata kung magsalita. Inamoy-amoy pa niya leeg ko. May kiliti pa naman ako ron.
“Alam mo naman kung bakit kita hindi pinapansin eh! Arte arte mo.” busangot na sabi ko sa kanya. Tumawa siya ng mahina. “Eh alam ko kasing hindi pa sapat yan sayo kaya tinanggihan na kita. I know that it’s your favorite food.”
Kumalma na ako sa sinabi niya. Ahhh yon pala rason niya. Tama naman siya hehe. Kulang talaga sa’kin ‘to kasi favorite ko ‘to.
Inubos ko na yong fries para naman malambing ko siya. Nakasandal lang ako sa dibdib niya habang yong braso niya nakapulupot sa bewang ko. Parehas kaming nanonood ng cartoons. Eto yong routine namin tuwing pagkatapos kumain ng dinner.
“Gusto mo na bang planuhin yong kasal natin?” nabigla ako sa sinabi niya. Ngayon niya lang in-open up yong tungkol sa kasal namin.
“Ikaw ba, gusto mo na ba?”
Hinalikan niya yong buhok ko at sinuklay ito bago sumagot. “Syempre gusto ko. Diba ito naman yong gusto natin?”
Natahimik ako sa sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung ano yong isasagot sa kanya. Dati na namin ‘tong dapat pinagpaplanuhan pero naudlot nong nakilala namin sina Kath, Skyler, Charlotte, Zyron at pati na rin si Jairon. Kaya medyo hindi na namin napagusapan yon. Ngayon lang.
Napabuntong hininga siya nang mapansing natahimik ako. “It’s okay. Masyado siguro kitang minamadali.”
Bigla akong naguilty dahil don. Alam kong gustong-gusto na akong pakasalan ni Aki dahil sinabi niya yon nong 1st anniversary namin.
“Sige, payag na ako.” Sabi ko at ngumiti sa kanya. Nagliwanag yong mukha niya. Mas lalo siyang gumwapo dahil don hihihi.
“Really? Yes! Thank you so much, honey!” masiglang sabi niya. Bigla niyang hinalikan sa labi kaya nagulat ako.
Biglang sumagi sa isip ko si Jairon.
Winaglit ko lang yon sa isip ko bago halikan pabalik si Aki. I love Aki so much.
~~~***~~~
Nagising ako na maliwanag na ang buong kwarto. Tinignan ko yong orasan sa bed side table na nasa gilid ko lang. Aba ang aga ko pala nagising. Pinikit ko muna saglit yong mata ko. Medyo napuyat kami ni Aki dahil naglambing pa kami sa kwarto.
Minulat ko na yong mata sabay bangon ng higa. Napatingin ako sa katabi ko. Ang himbing ng tulog ng baby ko hihihi. Nakatopless pa siya kaya sa napangisi ako. Wala akong balak sa kanya, may inisip lang ako hahaha. Wala nangyari sa’min kagabi. Never pa naman ginawa ‘yon’ kung iyon ang iniisip niyo.
Umalis na ako sa kama para bumaba. Ako naman yong maghahanda ng agahan namin. Simple lang gagawin ko, magpiprito lang hehehe. Diba sabi ko di ako marunong? Gagawin ko lang yong pinakabasic. May cook book naman dito sa kusina kaya hindi ako mahihirapan. Goodluck sa’kin!
Ilang minutong paghahanda ng almusal, ang masasabi ko ay success siya. Yipee! Congrats to me! Hindi ko nasunog yong hotdog tsaka yong ham! Woooh! *Clap! Clap! Clap!*
Naglagay akong ng plato, baso, at kutsara’t tinidor sa lamesa. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Pagkatapos ay kinuha ko yong niluto kong pagkain at nilapag sa lamesa yon.
Perfect! Hihihi.
Saktong-sakto pababa na pala si Aki ng hagdan. Namumungay pa yong mga mata niya tapos magulo pa yong buhok, pero gwapo pa rin siya! Pero namula ako nang mapansin kong nakatopless na naman siya tapos nakasuot lang ng boxer. Sinita ko siya.
“Oy oy, kakain tapos wala kang suot na damit? Hala, umakyat ka! Magbihis ka!” para akong nanay na nagsisita lang ng anak. Nakasimangot lang siya pero sinunod niya ang sinabi ko. Ilang segundo lang ay bumaba na siya na may suot na sando tsaka tokong short.
“Very good, baby. Sige umupo ka na at kumain na. Ako nagluto niyan kaya ubusin mo!” malambing saad ko sa kanya.
Mukha napansin naman niya yong mga lutong pagkain. Hindi siya makapaniwala na nakapagluto ako. “You cooked this?” tango naman ang sinagot ko.
“Wow. You’re really are improving huh?” tuwa niyang sabi. Tinignan ko siya ng mayabang. “Aba, syempre ‘no! Para talagang house wife na house wife ang dating ko.”
“Yeah. And a good mother to our future children.”
Kaagad naman akong namula sa sinabi niya. Anak kaagad?
“Oh siya, kumain ka na! May trabaho ka pa. Aalis din ako eh.” sabi ko at umupo na rin sa tapat niya. Kumuha ako ng isang tinapay at nagpalaman ng ilang pirasong ham.
“Hindi ako papasok. Walang sasama sayo sa labas.” Sagot niya sa’kin.
“Huh? Diba si Jairon ang sasama sa’kin kasi siya yong bodyguard ko?” iling ang sagot niya sa’kin kaya nagtaka ako.
“He said that he might not accompany you for about 1 week I guess? Tinawagan niya kasi ako kahapon.”
Sa narinig ko para akong nalungkot.
Hindi ko pala siya makikita ng isang linggo.
__________________________________________________________________________________________
Author's Note:Hi guys! Eto na po yong update :) Sana po magustuhan niyo :D
Don't forget to vote, comment and be a fan! :)
Posted: June 13, 2018
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomanceJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...