CHAPTER 13: When bullet hits you
[Joanna Marie Almeda]
Ilang minuto ang nakalipas hindi pa rin lumalabas yong doctor. Mas lalo akong kinakabahan. Kanina pa ako dasal ng dasal.
"Kamusta si Jairon?"
Napatingin ako sa katabi ko. Isang estrangherong lalaki na nakasuot ng leather jacket at cap ang kumausap sa'kin. Kaibigan yata iti ni Jairon. Pinunasan ko muna yong luha ko bago sumagot.
"Hindi pa rin lumalabas yong doctor kaya hindi ko alam ang isasagot sa tanong mo."
Napatango naman ito at sumandal sa upuan. Napabuntong hininga rin ito.
"Makakasurvive si Jairon. Matibay katawan niyan. Hindi yan matitinag ng bala lang."
Nakatingin lang ako sa operating room. Kanina pang may bumabagabag sa'kin.
"Sino yong mga taong bumaril kay Jairon?" Seryosong saad ko. Hindi naman ako sinagot ng katabi ko kaya tinignan ko siya.
"Sino?" Tanong ko ulit.
Kaagad naman siyang umiling. "Hindi ako yong dapat sumagot niyan kahit na may alam ako. You should ask Jairon himself."
Napakagat ako ng labi. Hindi na talaga ako mapakali. Ayoko yong pakiramdam na naramdaman ko kanina. Sobra-sobra yong nginig ko habang dinadala namin si Jairon sa emergency room. Meron din pala siyang tama ng bala sa likod niya kaya halos marami ang nawalang dugo sa kanya.
Wala ako sa wisyo nang ipasok na si Jairon sa operating room para matanggal nila yong bala at masalinan na siya ng dugo.
Napatayo kaagad ako nang lumabas na yong doctor at lumapit sa'min.
"Who's the relative of the patient?"
"Ako po. Kaibigan ko po siya. Ano na po lagay niya?"
Kumakalabog ang dibdib ko habang hinihintay ko ang sagot ng doctor.
"Natanggal na namin yong bala na nasa likod niya. Nakapagtransfer na rin kami ng dugo sa kanya kaya maaari na siyang ilipat sa private room."
Nakahinga ako ng maluwag don. Thank you, Lord. Hindi niyo po pinabayaan si Jairon.
"Salamat po, doc." Tumango ito bago nagpaalam umalis.
Nang makaalis na kami ay nagpaalam na si Grey para ayusin ang bayarin ni Jairon. Tumango ako sa kanya. Ako naman ay sumama ako sa paglipat sa magiging private room ni Jairon.
Nang makarating kami sa private room at nagtext ako kay Aki tungkol sa nangyari sa'min ni Jairon. Syempre hindi pwedeng hindi ko sabihin sa kanya. Fiance ko siya. Nang makapagsend na ako ay kumuha ako ng isang upuan at dinala yon malapit sa kinahihigaan ni Jairon.
Napabuntong hininga ako. Nalulungkot ako sa sinapit ni Jairon. Siguro kung hindi ako pumayag na lumabas ng bahay, hindi ito mangyayari sa kanya. Wala sanang mapapahamak. Sinisisi ko tuloy yong sarili ko.
Hinawakan ko yong kamay ni Jairon.
"Jairon, gumising ka please." Nakatitig lang ako sa kanya. Wala pa rin pinagbago yong mukha at katawan niya. Pero medyo namumutla siya.
"Sorry..." Panimula ko. "Sorry. Siguro kung hindi ako pumayag na lumabas tayo hindi 'to mangyayari sayo. Edi sana wala ka sa hospital. Edi sana nakakagalaw ka. Sorry talaga, Jairon."
Napatungo ako. Hindi ko alam. Ang bigat ng pakiramdam ko. Sumisikip din ang dibdib ko.
Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Si Grey pala. Binalik ko ulit ang atensyon ko kay Jairon.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomanceJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...