CHAPTER 14: Bipolar
[Joanna Marie Almeda]
Matalim lang ang mga titig ko kay Jairon habang hinihimas nito ang ulo. Ilang minuto ko kasi siyang sinabunutan. Nawala nga sa isip ko ang kondisyon niya pero naalala kong manhid nga pala ito. Ayaw niya ng pain killers diba? Bahala siya dyan. Hindi ko siya bibilhan.
"Why are you so bad to your patient, love?" Parang bata kung magsalita ito sa'kin. Hindi pa yata ito bumabalik sa dati.
Hindi ko siya pinansin. Inabot ko sa kanya yong cellphone niya bago bumalik sa kinauupuan ko na malayo sa kanya.
"Tawagan mo si Grey. Sabihin mong gising ka na."
"What?!" Medyo nagulat ako sa pagsigaw niya. Ano na naman problema nito?
"Ang sabi ko tawagan mo si Grey at sabihin mong gising ka na! Bingi ka ba?!"
"You know Grey?!" Tinignan ko na siya. Nasalubong ko ang nanlilisik niyang mga mata.
Bipolar ba ang lalaking 'to? Kanina parang bata ito kung umasta tapos ngayon parang leon na may gustong patayin. Ano ba talagang meron sa lalaking 'to at ang laki ng idinulot ng pagkakabaril sa kanya?
"Bakit ba sumisigaw ka? Oo kilala ko si Grey. Pumunta siya rito para kamustahin ka. Anong problema mo?"
"Hinawakan ka ba niya?" Nagtatagis ang mga bagang nito. Bakit parang galit na galit ito? Kahit naguguluhan ako sa tanong niya sinagot ko na lang.
"Hindi, bakit?"
"Malapit ba siya sayo?"
"Hindi rin. Anong klaseng tanong ba yan?" Konti na lang mapipikon na ako sa kanya. Ihahagis ko na ito sa labas ng hospital.
Umiwas lang ito ng tingin sabay sabi ng, "Nothing."
Ano?! Nothing?! Nagagalit siya tapos ng nothing?! May sira na ba ulo nito? Naapektuhan ba ng likod niya yong utak niya?
Ano ba nangyayari sa lalaki 'to.
Malakas akong napabuga ng hangin. Haay nako.
"Itulog mo na lang yan." Sabi ko na lang. Kinuha ko yong cellphone ko at naglaro na lang muna.
"I'm sorry..." Sumulyap ako saglit sa kanya bago tinuon ng pansin ang paglalaro ko.
"Okay lang. Sige na matulog ka na. Baka sakaling bumalik ka sa dati pagkagising mo."
~~~***~~~
[Third Person's POV]
Napanguso na lang si Jairon sa inakto ng asawa niya. Mukhang napikon nga ito sa pagiging bipolar niya. Ganon kasi nangyayari sa kanya tuwing pagkatapos ng operasyonp sa kanya. Nangyari na yon sa kanya dati nong minsang tinamaan siya ng baril sa may tagiliran. Matapos tanggalan siya ng bala, nagising na lang siyang nag-aasal bata. Tapos minsan mabilis din siyang mainis sa isang bagay.
Napakamot na lang siya sa kanyang ulo. Anong magagawa niya kung bipolar talaga siya sa ganitong sitwasyon? Hindi niya masabi sa asawa niya kasi nahihiya siya tsaka baka hindi ito maniwala sa kanya.
Kung pwede lang tumayo kasi gusto na niyang sugurin ng yakap ang asawa niya sa kaalamang ligtas ito at walang nangyaring masama. Pero hindi niya magawa kasi nananakit ang likod niya. Tsk. Kung bakit ba kasi nagyabang pa siya kay Joanna kanina. Makakainom na sana siya ng pain killers para hindi na niya maramdaman ang kirot.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomanceJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...