CHAPTER 10: Strange dreams
[Joanna Marie Almeda]
Ramdam kong may humahalik sa leeg ko. Ginalaw ko yong ulo ko. Tumigil din yong taong humahalik sa leeg ko. Kasi naman eh. Natutulog yong tao tapos nangiistorbo!
Tumagilid ako ng higa. Antok na antok pa ako.
May brasong pumulupot sa bewang ko kaya hindi ko na lang pinansin. Baka kasi si Aki lang 'to.
"Love, wake up..."
Yong boses na yon. Napamulat kaagad ako ng mata at napatingin sa taong yon.
"Jairon?" Paos kong sabi sa kanya. Nagtataka ako kung bakit siya nandito sa kwarto namin ni Aki.
"Yes, love?" Sabi niya. Nagsimula siyang halikan ang leeg ko na kinasinghap ko.
"A-anong ginagawa mo rito? Bakit ka nasa kwarto namin ni Aki?" Hindi ko alam pero nanghihina ako. Para akong wala sa sarili ko.
Hindi niya ako sinagot bagkus pinatihaya niya ako. Unti-unti na rin lumilinaw ang paningin ko.
Oh my god. Bakit nakatopless si Jairon?! And... nakasuot lang siya ng boxer short?! Oh tukso, layuan niyo ako!
"I miss you, love." Sabi niya bago ako halikan. Hindi ko alam kung anong espiritu ang sumanib sa'kin para halikan siya pabalik.
Mali 'to! Mali 'to! Nagtataksil ako kay Aki! Pero bakit ayaw sumunod ng katawan ko? Bakit parang gustong-gusto ng katawan ko ang halik at mga haplos niya?!
Bumaba yong halik niya patungo sa leeg ko, pababa pa sa dibdib ko. Oh my god!
Tatanggalin na sana niya yong suot kong t-shirt nang may marinig akong sigaw na nakapagpagising sa'kin!
"Honey!"
"Ahhhh!" Napasigaw ako sabay bangon ng higa.
Si Aki ang nabugaran ko. Mukhang katatapos niya lang maligo.
"Bakit mo ko ginising? Ang sarap pa naman ng tulog ka!" Ngawa ko sa kanya.
Really, Joanna? Masarap talaga tulog mo?
"Umuungol ka kasi. Akala ko binabangungot ka."
Umuungol daw ako? Weh? Umuungol ako habang tulog ako?
Napakagat ako ng labi dahil don. Patay. Ano ba kasi yong napanaginipan ko. Bakit ko ba kasi siya napanaginipan. Dapat si Aki yon. Pero bakit si Jairon ang nakita ko?
"Ahhh, oo hehehe. Binabangungot ako. Pero mukhang masaya naman yong bangungot ko na yon. Hinahabol ka kasi ni Vakal." Natatawa kong sabi sa kanya. Kailangan kong gumawa ng palusot dahil kung hindi mabubuko niya ako. Hindi niya pwede malaman yon huhuhu.
Napatango naman siya sa sinabi ko na parang kumbinsido siya. Pumasok na siya sa walk-in closet na, mukhang maghahanda na para pumasok sa trabaho.
Ako naman ay inayos ko yong hinigaan namin bago lumabas ng kwarto. Pupunta ako ng kusina para makakain na ng almusal.
Hinintay ko muna si Aki bago kami magsimulang kumain. Pero habang hinihintay siya magmumuni-muni ako.
Humalumbaba ako sa mesa at binalikan yong napanaginipan ko kanina.
Bakit nandon si Jairon sa panaginip ko? Tsaka bakit parang iba ang kilos ko ron? Ang weird talaga. Super duper weird. At isa pang nakakapagtaka, bakit parang may pagnanasa ako kay Jairon? Hindi pwede yon!
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomanceJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...