Chapter 5: Moments with Bodyguard

116 6 0
                                    

CHAPTER 5: MOMENTS WITH BODYGUARD

[Joanna Marie Almeda]

"Ano pang hinihintay mo? Kumain ka na dyan." Utos ko sa kanya. Kanina pa niya kasi ako tinititigan habang kumakain ako.

Tipid siyang ngumiti bago nagsimulang kumain.

Tapos naman na akong kumain kaya pinagmasdan ko muna siya.

Siguro kung wala si Aki magiging crush ko 'to. Kasi biruin mo mukha siyang badboy dahil sa buhok niya, tapos yong kilay niya makapal, matangos din ang ilong niya, at manipis pa ang labi niya na kulay pink. Tapos yong panga niya perpekto.

Ewan ko ba pero minsan iba rin ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya. Hindi ko lang matukoy kung ano yon.

Nagsimula lang naman ito nong pumunta siya sa bahay namin kasama nong kapatid ni Skyler na kaibigan ni Aki. Simula non, madalas na siyang nagpapakita sa'kin at parang nagfifeeling close.

Napabuntong hininga ako. Kailan ba babalik yong mga ala-ala ko? Hindi kasi buo yong pagtao ko kapag wala yong mga ala-ala ko.

"Hey, are you okay?"

Nabalik ako sa wisyo ko nang magsalita si Jairon. Nakatitig siya sa'kin na may pag-aalala sa mukha.

Umiling ako at nginitian siya. "Okay lang ako. Dalian mo dyan para makalabas na ako ng bahay." Sabi ko na lang.

Nang matapos siyang kumain ay nagpaalam ako sa kanya na aakyat ng kwarto para makapagbihis ako. Medyo nahirapan akong mamili ng susuotin ko dahil puro dress na lang ang mga damit ko sa closet. Madalas kasi puro jeans at shirt ang sinusuot ko tuwing aalis ako.

Wala tuloy akong choice. Kumuha ako ng isang dress na kulay yellow at pinaresan ko ito ng white doll shoes.

Nang matapos na ako ay naglagay ako ng konting pulbo sa mukha bago bumaba. Naabutan kong si Jairon na may tinitignang picture frame sa gilid ng sofa. Lumapit ako sa kanya at nakitang picture namin ni Aki na magkayakap yong tinitignan niya. Kuha ito nong 1st anniversary namin.

"Hey." Tawag ko sa kanya.

Kaagad naman siyang lumingon sa'kin. Binalik niya sa dating pwesto ang picture frame bago tumayo.

"Let's go." Mahina niyang sabi at nauna nang lumabas ng bahay.

Ba't ganon? Parang malungkot siya? O namamalikmata lang ako?

~~~***~~~

Inaya ko si Jairon na magpunta kami sa mall. Ilang buwan na kasi ako hindi nakakapunta rito. Grabe nakakamiss pala.

Nakasunod lang sa'kin si Jairon na nasa likuran ko lang. Para nga siyang asong nakabuntot sa'kin eh hahaha.

"Psst!" Tawag ko sa kanya. Aba, hindi ako pinansin?

Tumigil ako sa paglalakad saka gumilid para mauna siya. Talagang hindi niya ako pinapansin. Dere-deretso lang siya sa paglalakad niya.

Biglang may naisip akong ideya para mapansin niya ako. Magugulat siya panigurado rito hihihi. Humanda ka sa'king kumag ka.

Nagsimula na akong maglakad at nakabuntot sa kanya. Naghahanda ako para makabwelo ako. Nang makatyempo na ako ay dinamba ko siya sa likod niya.

"Huli ka balbon!"

"Aaah!!" Sigaw niya at kaagad na lumayo sa'kin.

"Wahahahaha! Anong itsura yan?! Hahaha!!"

Memories of the PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon