CHAPTER 1: WHERE IT ALL BEGAN (Part 1)
[Third Person’s POV]
*Flashback*
“Mahal ko, tahan na. Maghapon ka nang umiiyak. Hindi matutuwa sina nanay at tatay niyan. Ayaw nilang nakikita kang nasasaktan.” Pagpapatahan ng lalaki sa kanyang asawa. Nag-aalala siya sa kanyang asawa dahil kanina pa ito umiiyak.
Nakayakap ang kanyang asawa sa kanya na wala pa rin tigil sa pag-iyak.
“Miss na miss ko na sila, mahal. Ang sakit. Parang hindi ko kakayanin na wala sila.” Ani ng asawa sa pagitan ng hikbi nito.
Wala siyang nagawa kung hindi ang patahanin ang kanyang mahal na asawa. Nasasaktan siyang makitang nasasaktan ang kanyang asawa.
Kaaalis lang nila sa sementeryo kung saan nilibing ang mga magulang ng kanyang asawa. Ang pagkakamatay nito ay dulot ng pagkakasagasa. Aksidente ang lahat sabi ng mga pulis pero hindi iyon matanggap ng kanyang asawa. Halos magwala ito ng malamang patay ang mga magulang nito. Buti na lang naagapan niya ito. Awang-awa siya sa kanyang asawa.
Naranasan niya ang nararanasan ng kanyang asawa ngayon. Namatayan siya ng magulang, pero hindi iyon aksidente. Alam niyang sinadya iyon, ramdam niya. Kaya matindi ang pagkamuhi niya sa mga awtoridad dahil wala man lang itong ginagawang aksyon. Binasura lamang nila ang kasong ito na para bang walang kahihinatnan.
Hindi niya sinabi sa kanyang asawa ang pagkamatay ng kaniyang magulang dahil tiyak na mag-aalala rin ito at masasaktan katulad niya. Hindi. Ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw na niyang dumagdag sa alalahanin nito.
“K-kung nandito lang si n-nanay, tiyak na yayakapin ako non at k-kantahan para tumahan lang ako. Si t-tatay naman p-papatawanin pa ako non p-para lang hindi ako u-umiyak.” Lumuluhang saad nito. Parang hinihiwa ang puso niya sa nakikita niya.
Kung kaya niya lang ipalit ang kanyang buhay sa mga magulang ng asawa ay gagawin niya para hindi na ito umiyak at masaktan ng ganito.
“Nandito lang ako, mahal. Hinding-hindi kita iiwan. Hinding-hindi. Mahal na mahal kita, higit pa sa buhay ko, mahal. Malalagpasan natin ‘to. Tatagan lang natin ang loob natin. Malalagpasan natin ‘to. Kasama mo ako.” Pagpapagaan niya ng loob sa kanyang asawa.
Tumugon naman ito. “Mahal na m-mahal din kita.” Hikbi nitong sagot.
Nakayakap pa rin ang kanyang asawa sa kanya habang naglalakad. Paliko na sila sa isang eskinita kung saan iyon ang daan pauwi sa kanilang bahay nang matigilan siya.
Apat na naglalakihang mga kalalakihan ang nakasalubong niya. Malalaki sila. May mga tattoo ito sa mga katawan. At may mga dalang kahoy at bakal.
“Uy mga ‘tol, may dalang bebot ang lalaking ‘to.” Sabi ng pinakamatangkad sa kanila. Ito ang may dalang kahoy.
“Chix ‘to, pre. Parang bigla akong nagutom sa nakita kong masarap na putahe.” Ngising sagot ng kasamahan nito habang nakatingin sa kanyang asawang puno ng pagnanasa.
Napahigpit ang pagkakayakap sa kanya ng asawa. Bakas sa mukha nito ang matinding takot ng masilip niya itong nakasubsob sa dibdib niya.
Napakuyom siya ng kamao sa galit na nararamdaman niya. Nasa panganib sila ng kanyang asawa. Natatakot siya sa maaaring mangyari sa kanilang mag-asawa. Sa katunayan, kaya niyang labanan ito dahil bihasa siya sa pakikipaglaban pero ang kinakatakot niya, baka mapahamak ang kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past
RomantizmJairon Ken Dela Cruz Story (STMP Side Story) Nagising na lamang si Joanna na walang maalalang kahit ano. Even her name, family, and her life back before, she can't remember it. She doesn't remember a single thing about her life. Akala niya nag-iisa...